Chapter 37 - Reunited

165 12 0
                                    


Kyline POV

Nasa Florida Academy ako ngayon, dahil ngayon ang , Graduation ni besti, nathan at glenn.

Hindi ko din inaasahan na kasama pala ako sa program nila dahil magkakaroon daw ako ng Special Number. Dahil naging estudyante din nila ako dito.

"Wow kyline! Ikaw ba yan? Ang ganda mo na!" tanong ni nathan pagkakita nya sa akin.

"Hahaha. Mambobola kana pala ngayon nathan!" sabi ko sakanya.

"You look georgous Kai." Ngiting sabi sa'kin ni Glenn.

Infairness gumwapo din ang dalawang ito. Nagbinata na din sila at matatangkad na. Parang si Darren lang din.

Totoo ang kasabihan na 'When Puberty Hits You So Hard'

Hahahaha!

"Oy thank you sa puri nyo! Hahaha. Naibigay ba ni besti yung pasalubong ko para sainyo?" tanong ko sakanila.

Umalis kasi saglit si besti at may aasikasuhin lang daw. Kaya kaming tatlo lang ang nag uusap ngayon.

"Oo na. Naibigay nya. Ang Ganda nga ng pasalubong mo sa amin. Imported na imported." sabi ni Nathan.

Nanibago na ako ngayon kay Glenn. Parang naging tahimik sya ngayon lalo. At tinititigan nya lang ako. Problema neto?

Si Nathan, hindi pa rin nagbabago. Loko-loko pa rin at madaldal.

"Tahimik ka ata Glenn?" tanong ko sakanya. Nakatingala ako ng kaunti sakanila dahil nga tumangkad sila.

"Natulala yata sa kagandahan mo Kai." sabi naman ni Nathan.

Umiwas nalang ng tingin si Glenn at namula. Hahaha ang cute.

Bakit kaya nagkakaganito sya?

"Kamusta naman kayo?" tanong ko nalang sakanila.

"Eto gwapo pa rin." sabay pogi sign ni Nathan.

Hinampas ko nalang sya sa braso.

"Sinong gwapo?" tanong ni besti pagkalapit nya samin.

"Ako. Baket?" sabi ni nathan kay besti.

Yan na naman sila. Namiss ko ang asaran nila. Hahaha

"Grabe giniginaw ako, ang hangin naman ditoooo!!!" Sigaw ni besti.

"Nga pala kai. Thanks sa pasalubong mo sa amin ah." Ayun nagsalita din si Glenn.

"Nu ka ba! Ok lang yun. Syempre friends ko kayo eh!" sabi ko nalang.

"Nga pala besti, pinapatawag ka na dun ni Mam Soriano para sa special number mo." sabi sakin ni besti.

Nakasuot na sila ng toga. Baka siguro magsisimula na.

"Sige mamaya nalang ulit." sabi ko sakanila at umalis na sa pwesto nila.

"Mam, pinapatawag nyo daw po ako?" tanong ko kay mam soriano.

"Ay oo! After kasi nitong program ay dapat nakaready kana. Ano ba ang special number mo?" tanong sakin ni Mam.

"Kakanta nalang po ako." sagot ko.

"Sige magprepare ka nalang. Para mamaya pagkatapos sila mabigyan ng diploma. Ikaw na ang kakanta ok?" sabi ni Mam.

"Sige po." sagot ko nalang. Naupo muna ako sa backstage habang hinahantay ko ang turn ko.

Nakasuot ako ngayon ng simple dress na tinernuhan ko ng white sneakers. Astig noh? Hahaha

"Kyline, it's your turn na." sabi ni Mam Soriano.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon