Chapter 12 - Announcement

505 23 9
                                    


Kyline POV

"Announcement!!!" sigaw ng president pagkapasok ng room namin.

Pagkasigaw nya nun. Tumigil ang lahat sa ginagawa at napatingin kami sa kanya..

"Pinapatawag ng Principal si Andrea Brillantes at Kyline Alcantara. Go to principal office now!!" sabi nya.

"Bestii! May nagawa ba tayong hindi maganda dito sa school?" tanong sakin ni bespren na kinakabahan dahil pinatawag kami ng principal.

"Hindi ko nga din alam. Ang alam ko ikaw lang ang mahilig gumawa ng kalokohan at pati ako nadadamay." sabi ko sakanya.

"Grabe ka naman bestii!!"

"Bilisan nyo! May importante lang sasabihin sainyo ang principal!" sabi ni Ms. President.

"Oo. Eto na!!" sigaw ni bestii at sabay kami lumabas ng room at dumiretso sa office ng Principal na si Mrs. Pineda.

@ Office

Pag open namin ng office ni Mrs. Pineda ginreet muna namin sya. Buti nalang mabait ang principal kaso masungit lang sa mga loko lokong estudyante.

"Good morning ma'am" sabay na greet namin ni bespren. Good mood ata si Mrs. Pineda huh'

"Good morning din, please take your seat muna." sabi ni Ma'am at kami ay naupo na.

"Kaya ko kayo pinatawag dahil may importante akong iaannounce sainyo at sana eh maging ok lang din sainyo." sabi ni Mrs. Pineda.

"Ano po yun ma'am?" tanong ni andrea.

"Tutal kasama ka andrea sa dean's list at ikaw andrea eh celebrity ka.." panimula ni ma'am.

Oo maniwala kayo sa hindi topnatcher yang bespren ko! Hahaha. At ako?? Nevermind. Lol Syempre kasama din ako nuh! Pero mga nasa top 10 lang kasi syempre busy sa pagiging artista.. =_=

"Lahat ng mga kasali sa Dean's list at Celebrity ng school na to. Isama na din natin ang mga sumasali ng extra curricular at mga SSG, magkakasama na kayo sa isang section ng sa ganun eh maging privacy na din ng apat na celebrity na papasok sa school na to."

Whaaatt?? Malilipat na kami sa ibang section? Sino namang artista ang papasok sa school na to??

"Wag kayo mag alala dahil may mga seniors din kayong magiging classmate at tuturuan kayo sa ibang subject para makasabay kayo sa mga tinuturo sa ibang section." tuloy ni Ma'am.. habang kami nakikinig lang. Mamaya na daw kami magreact.

"At isa pa, makakasama nyo sila buong school year. Simula monday sa 301A ang magiging room nyo, pero ganun pa din naman ang oras ng pasok at uwian nyo. Kung nagtataka kayo kung bakit binukod ko kayo sa ibang estudyante dahil alam kong mas responsible kayo at hindi nyo kaya gumawa ng mga kalokohan lalo na't may magiging classmate kayo ng isang sikat dito sa pilipinas." WHATT? Sikat na magiging classmate namin?? Oh my.. Hindi naman tong kilala ang school na to pero naisipan pa dito pa mag aral. Pero sabi nila, mas maganda na din daw yun para sa Privacy.. -____-

"Ok ma'am, pwede bang malaman kung sino sino yung magiging classmate namin at yung sinasabi nyo pong sikat na papasok dito sa school." Kampanteng tanong lang ni bespren.

"Yung Top1 hanggang Top3 ng star section Grade 8, syempre kasama ka na dun andrea at ikaw kyline dahil celebrity kana. Yung mga Grade 8 din na kasama sa extra curricular, then Yung mga SSG Officers ng school, at ang Top1 hanggang Top3 ng Seniors at syempre yung apat na celebrity." sabi ni ma'am.

So ibig sabihin magiging classmate ko si Kuya JK?? Top1 sya ng seniors eh!! ;( Luhhh!! Bakit kasama pa si kuya!!!

"Eh sino po ba yung apat na celebrity na yun.?" tanong ni bespren.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon