Chapter 13 - Beginning

425 24 12
                                    


Kyline POV

Good Morning!!!! Wahhh! Monday pala ngayon! Ibang room at section na din kami. Malalaman na namin kung sino ang magiging classmate namin. Yohoho!

Matawagan muna nga si bespren. Wala eh trip ko tumawag sakanya ngayon. Haha

Bestii Andrea <3
ringing......

[Hello bestii! Aga aga napatawag ka?"]

"Wala lang trip ko tumawag sayo ngayon eh. Haha. Sabay kana samin ni kuya pumasok ha."

[Sige, kita nalang tayo sa kanto ng street nyo.]

"Sige! Babye!! See you later. Walang magpapalate."

[Oo na. Nakabihis na nga ko eh.]

What?? Mas excited pa sakin si bestii ah!

"Ano?? Nakabihis kana?"

[Hahaha. Biro lang kagigising ko nga lang eh. Sige maliligo na ko. Bye!]

toot.. toot..

Ayy. Makaligo na nga din!! Hahaha. Ewan ko bakit excited ako ngayon kasi parang first day of class. Haha :D

After kong maligo, nakahanda na pala yung breakfast na niluto ni mama.

Tapos na din pala maligo si kuya. Hihi. Makakasabay ko si Kuya JK!!

"Mga anak kumain na kayo, JK, sabay na kayo ni kyline pumasok at umuwi ha." sabi ni mama.

"Opo ma," sagot lang ni kuya.

"Ma, pabaunin mo nalang ako ng sandwich, hindi pa kasi ako masyadong gutom ngayon kasi makita ko lang si kuya JK busog na ko!" sabi ko at may ngiting pang asar kay kuya. Hahaha! Lakas trip ko ngayon kay kuya eh.

Akalain mo yun! Lagi ko na sya makikita! Ano kaya mga ginagawa nya sa room? Baka nagbabasa lang ng libro. Haha

Kung hindi ko lang talaga sya kapatid. Naku! Crush ko na yan si kuya! Ewan ko ba ang pogi pogi nya ngayon lalo na kung walang eyeglasses. Nerd kasi ang peg nya! Tsk -___-

"Hahaha. Ikaw talaga kyline!" sabi ni mama sakin na napatawa na din.

"Sige lang bunso, lakas ng trip mo sakin ngayon ah. Makita lang kita mamaya sa room kung ano anong mga kalokohan nyo ni Andrea." sabi nya na may kasamang pambablackmail. Haha. Sarap asarin ni kuya JK.. :P

"Wag na kayo magtalo jan. Lunes na lunes ehh. Pumasok na kayo baka malate kayo." sabi ni mama.

Sabay na kami pumunta ni Kuya JK sa school kasama si bespren..

Hmm.. Nasa labas palang kami ng campus. Kitang kita na namin kung gaano kadami ngayon ang pumasok. Sabagay flag ceremony pala ngayon.. So pumunta

muna kaming field kung saan gaganapin ang flag ceremony at marami na din ang estudyante ang nakapila at marami ding C.A.T officer ang nakapalibot sa field..

Ganun talaga sa school namin, madisiplina ang mga students, staff and faculty at masyadong secured kaya walang mga away at gulo na nangyayari dito. Kaya nga private eh :P

After flag ceremony, dumiretso na kami ni bespren sa bagong room namin. At naabutan lang namin ang mga SSG Officer, si kuya JK at ilan sa mga grade 8 na kasali sa extracurricular. Pero ang laking gulat ko na pumasok si  Nathan sa room na to pero hindi nya kami napansin ni bespren.. Habang tumi tingin tingin sya ng mauupuan..Bigla ko syang tinawag..

"Psst. Nathan!!" sigaw ko. At bigla syang napatingin sa direksyon namin at lumapit. Habang si bespren ay may hinahanap sa bag at hindi tumitingin kay nathan.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon