Chapter 14 - The feeling

442 28 0
                                    


JK POV

(A/N: Nakss! NagkaPOV din si JK!!)

Simula ng pagdating namin dito sa room kasama ko ang kapatid ko na si kyline at si Andrea, naupo na lang ako sa may last row na dulong dulo dahil gusto ko magbasa ng libro ngayon.

Naka ilang libro na din ako na nabasa kahapon eh hindi ko natapos kagabi yung book ni William Shakespear..

Hilig ko po talaga magbasa ng libro, ewan ko ba! Mas maganda naman yun para maenhance ang reading skills ko.

Medyo malabo na din mata ko kaya naka eyeglasses ako na suot. Then pagkaupo ko, tinignan ko muna yung kapatid ko baka may kalokohan na naman na gagawin sila ni Andrea. Pero may kinakausap sya na lalaki.. baka classmate nya. Kilala ko to eh! Sya yung kasali lagi sa Contest kapag may program dito sa school..

Then, napansin ko lumabas sila ni Andrea, ano naman kaya ang mga kalokohan ng dalawang yun! Tsk.

Pero dahil ayaw ko ng isipin yun, magbasa nalang ulit ako. Buti nalang may mga ilan din ako na classmate na kilala ko.

Habang nagbabasa ako, napansin ko na may pumasok na babae at lalaki sa room, na celebrity. Yung model sa bench at yung sikat na batang singer dito sa philippines.

Si Cassy at Darren Espanto ata yun. Basta kilala ko sila. Hindi porket may pagkanerd ako, eh hindi ko na kilala ang ilang mga artista. Syempre sumasali din ako ng Voice Competition dito sa school at mga band.

Yung iba kasi iniisip na mahiyain ako, at walang pakialam sa paligid. So nagkakamali kayo, dahil ang JK na kilala nyo ay snob lang sa paligid. Ganun na nga din yun medyo walang pakialam pero kahit papano nagkakaroon din ako ng pakialam. Hahaha pasensya na ang gulo!!

Ganito kasi yun, aral lang muna kasi inaatupag ko bago ang ibang bagay. Pero sumasali din naman ako sa mga activities sa school. Ang hindi ko lang naman ginagawa ay yung makihalubilo sa mga classmate ko na laging gumigimik sa labas. At hindi ako sumasama ng mga outing dito sa school. Sabihin nyo na KJ ako. Oo tama kayo. Kung tatanungin nyo kung nagkaroon na ako ng crush?? Oo naman! Si Stacey yung isang model ng *toot* network. Sya lang naman ang nag iisang ultimate crush ko wala ng iba. Hehe

Maya-maya, napansin ko ay lumapit na yung girl na si Cassy sa bandang direksyon ko. Oo maganda sya, kaso medyo boyish lang gumalaw. Lumapit na sya sakin ay hindi pala, dun pala sa vacant seat sa tabi ko. Akalain mo yun tatabihan nya ko. Bakit kaya??

Tinuloy ko lang ang pagbabasa ko ng libro. Pero napansin ko sa peripheral vision ko ay naglabas sya ng earphone at inilagay sa tenga nya. At nagpatugtog na..

Ganun ba sya kalakas magpatugtog?

Halos rinig na rinig ko na..

Hindi ko na pinansin yun. Makabasa na nga lang!

Unti unti ng dumadating ang ilang students dito sa room na magiging classmate ko.

Napansin ko dumating na pala si kyline at andrea. At etong kapatid ko napahinto malapit sa board. At nakatingin dun kay Darren.. Anyare dun? Nababaliw na naman siguro to! Napansin ko din na yung iba nakatingin kay kyline at yung iba kay darren.

May binulong sakanya si andrea tapos tumingin sya sa lahat ng student at mabilis na umupo sa upuan nya. Saka nya lang siguro naisip na pinagtitinginan na sya. Grabe to! Hiyang hiya siguro yun!! Tsk tsk.

Umiling nalang ako. At ibinalik ko ang tingin sa libro. Pero natahimik na naman ang lahat dahil sa dalawang babae na pumasok ng room. Hindi sila nakauniform.

Wait..

Si Stacey yun at Twittle. Dito pala sila mag aaral??

Nabighani ako sa kagandahan ni Stacey.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon