1 YEAR PASSEDKyline POV
1 Year na ko dito sa canada. Parang kailan lang!
Mas naging busy na kasi ako dito. Study, tapos tapings, pictorials at kung anu ano pa.
Nakakatuwa lang, mas nasasanay na ko dito at madami na din akong friends.
Syempre kahit 1 year na ko dito hindi ko pa rin nakakalimutan si bestii. Pag may free time ako, nagvivideo call nalang kami.
Kaya minsan pag nag uusap kami tapos minimention nya si ano. sinasabi ko nalang sakanya, na wag nalang syang pag usapan kasi kinalimutan ko na sya. 1 year na ang lumipas hindi na sya nagbalak na imessage ako.
Alam ko naman na sobrang busy na sya. At sa bagong kaloveteam nya. May kanya kanya na kaming buhay kaya hindi nya na magawang magparamdam sakin at sino ba naman ako diba??
May pa special special friend pa sya nung concert nya tapos ganun nalang. Hayy. Wag na nga natin syang pag usapan!
Naglalakad kami ngayon ni Mianne sa Mall. Kasi nag aya syang mag shopping dahil ngayon lang free time namin.
"Kai, hindi mo ba namimiss si Darren?" biglang tanong nya.
Ano bang pumasok sa isip nya at naitanong nya yan. Ayoko na nga syang pag usapan eh!
Lahat ng tungkol kay Darren, iniiwasan ko talaga. Lalo na sa IG. Inunfollow ko na sya. at Inunfollow nya din ako. Saklap noh?
"Tara kain muna tayo, nagugutom na ko." pag iba ko ng topic.
"Hahahaha. Umiiwas sya topic oh. Yieee!" sabi nya.
"Tumigil ka na nga. Gutom ka lang kaya kung ano ano ang pinagsasabi mo eh!" sabi ko sakanya.
"Tara na nga! Baka mas lalong mabeastmode ka sakin. Hahaha" -mianne
Pagtuloy lang kami sa paglakad ng madaanan namin ang jollibee.
Namiss ko dito kumain, kaya sinabi ko kay mianne na dito nalang kumain.
"Dito nalang tayo kumain." sabi ko kay mianne na nakaharap kami sa may jollibee.
"Sige, alam ko naman na namimiss mo si Darren eh. Hahaha!" pang asar niya.
"Manahimik ka nga! Tara kumain na tayo. 1 year din kaya ako hindi nakakain dito!" sabi ko pa.
Ayun nag order lang kami ng 2 fried chicken with rice tapos dalawang large fries at coke. Pati 2 tuna pie at 2 regular coke.
Gutom kaya kami. Hahaha
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang may music.
Diba pag kumain kayo sa jollibee nagpapatugtog sila ng music pero yung mahina lang?.Oo nalang kayo.
Yung may kanta pa nga na.
Sa jollibee, bida ang saya!
Tapos paulit ulit pa. Hahaha
Pero iba yung music dito, yung kanta ni ano. Basta kilala nyo na yun! Halos lahat ng pinatugtog dito puro sakanya.
Naalala kong ambassador pala sya netong Jollibee. -__-
"May naalala si kyline!!" Pang aasar ni mianne habang kumakain sya ng fries.
Sinamaan ko lang sya ng tingin habang nagpapapak ako ng Fried Chicken.
tapos sinabayan nya pa ang kanta.
"I was too dumb to notice, there was something about you..." yan kumakanta sya tapos may hand gesture pa. Tinuturo turo nya pa ko. feel na feel ehh!
"Tigilan mo na yan. Masama kumanta sa harap ng pagkain." sabi ko sakanya.
Ayun. Ngingiti ngiti lang sya.
Hinayaan ko na lang sya. At hindi ako nagpapaapekto noh. Kala nyo naman ang haba ng pinagsamahan namin ng baklang yun!
Natapos na kami kumain at nagpunta na kung saan saan. naglibot libot lang kami hanggang sa...
May batang babae na nakabangga saken. Oo sya nakabangga kasi tumatakbo ba naman eh. Kaya nung naupo sya,
Tinayo ko sya."Are you ok?" tanong ko sa bata.
Sheeeez! Kapatid to ni Darren ehh!
Anong meron ba sa araw na to, at parang lahat nangyayari nagpapaalala kay Darren!
"Omg! Ate kaii!!!!!" sigaw nya sabay yakap sakin ng mahigpit.
At ayun si mianne, nakangisi lang. Kilala nya naman siguro ang pamilya ni Darren. Fan kaya sya.
"lynlyn! Kung san san ka tumatakbo." sigaw ng mommy nya at napatingin sakin.
"Kyline?? Ohh! kamusta kana?" nagulat sya nung pagkakita nya sakin.
"Ahm ok lang po. Sige po mauna na po kami, may pupuntahan pa po kasi kami." sabi ko at hinila si mianne palayo sakanila.
Small world nga naman!
Naku!! Dito pala nakatira sa Canada ang family nya!! -.-
"Wait.. wait.. Ba't mo ko hinihila at nagmamadali ka pa?" tanong sakin ni mianne.
"Ano kaba! Madaming itatanong sakin yun kaya umalis agad ako dun." sabi ko.
"Teka. Mommy yun ni Darren diba? " tanong nya.
"Oo. Tara na't may bibilhin kapa diba?" -ako
Tumango nalang sya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Sa susunod talaga, hindi na ko pupunta sa mall na to! Tsk.
Maya-maya biglang tumawag sa phone ko.
Si mama pala.
(Hello nak.)
"Yes ma?"
(Mamayang gabi flight ko na papuntang Phil.)
"Po? Bakit ka uuwi ng Pilipinas?"
(Nakalimutan mo na ba, sa susunod na araw na ang Graduation ng kuya mo?)
"Bakit hindi nyo po agad sinabi. Sama akooo!!"
(Hindi pwede kyline, marami ka pang appointment bukas at may pasok kapa.)
"Pwede naman po yun ipacancel diba?"
(Basta maiwan ka muna sa bahay at kasama mo naman si Nanay lucia.)
"Sige po. Basta balik po kayo agad ahh."
(Oo nak. Bye. Ingat ka sa pag uwi mo.)
"Bye po"
"Sino yung kausap mo?" tanong ni Mianne.
"Ah, si mama kasi babalik muna daw sya sa Pilipinas para umattend ng Graduation ni kuya." sabi ko.
"Ahhh. So ikaw lang maiiwan sa bahay nyo?" -mianne
"Kasama ko si Nanay Lucia yung kasambahay dun."
Tumango nalang sya. At nag shopping nalang kami.
----
A/N
Thank you for reading! Please vote and comment!
-tin
BINABASA MO ANG
Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETED
Teen FictionDo you believe in destiny? The two people met by accident. They are meant to cross their path for a reason. They become a childhood bestfriend turn into puppy love.