A/N: Sorry guys sa late update! Walang net eh. Hahaha! Enjoy reading =]]]
Hope you like it! XDKyline POV
Rock my world until the sunlight...
Make this dream.~~
The best I've ever known~~Bestii Andrea calling...
10AM
Kasalukuyang nagriring ang phone ko. Teka ano kaya kailangan ni bestii at napatawag?
Nga pala hindi ko pa pala napapalitan ring tone ko. Mapalitan na nga lang mamaya.. Kailangan eh. Hehe
"Hello? Napatawag ka?"
(Bestiiiii!!!!! Imisyouu!!!! San ka galing kahapon after recess???? )
"Magkasama lang tayo kahapon ah. Miss mo na ko agad? Tsaka busy ka kay nathan kaya hindi mo ko napapansin."
(Awww. Bestii naman eh! Napansin kaya kitang lumabas ng room kahapon tsaka kung magCCR ka bakit hindi mo na ko sinasabay?)
Kailangan ba sa lahat ng oras sabay kami magCR? Hayssst. Bestii talaga!
"Eh kaysa naman istorbohin ko kayo ni nathan sa pag aaway nyo. Haha"
(Yung totoo bestii tsaka sabay kaya kayo ni twittle pumasok ng room. I smell something ka *toot...toot..*)
Ay naubusan ata ng pantawag si bestii.
Bzzz...
From: Bestii drea
Sensya na bestii. Naubusan ako ng pantawag. Madami ka pa ikekwento sakin ah. Tutal wala ka namang taping ngayon. Punta ako ngayon bahay nyo. See you!
Nako. Mangangapitbahay na naman si bespren. Weekend na weekend e! Pasalamat sya nasa iisang subdivision lang kami. Kung long distance hindi yun makakapunta. Haha
*Ding.. dong..
Ang bilis naman non? Sarap ng buhay ko dito sa sofa eh. Alam mo yung nakakatamad tumayo? Minsan na nga lang may rest day e! Haysss..
Syempre tumayo na ko at pinagbuksan sya. Sino paba uutusan ko dito eh laging nasa kwarto si kuya at si Mama naman naliligo.
Sa susunod nga maghired ako ng yaya. Kapag nakapag ipon ipon na. Hehehe
Pagbukas ko ng gate.
Napawhoa nalang ako nung nakita ko si bespren na nakapantulog pa at diretso syang pumasok sa sala. Feel at home si ate!
"Bestii yung totoo? Naghilamos kana? May laway ka pa oh!" Turo ko sa mukha nya.
Epic ng mukha nya. Tapos itsura nya parang hindi pa nakapagsuklay.
"Bestii, hindi ka pa nasanay. Ngayon na nga lang ako nakapunta sainyo eh."
"So kailangan may muta at laway pa?" sabi ko pero joke lang yun. Wala naman talaga. Kaso parang kagigising lang ang itsura ngayon. Tapos nakapusod yung buhok nya na gulo gulo. Explain ko pa ba? Basta yun na yun. Haha ang gulo noh?
Ok back to reality.
"Dali magkwento kana! San ka galing kahapon?" tanong nya. Bossy na bossy ang chura ni bestii. Hahaha
"Malamang nagCR ako." sagot ko.
"At ano naman ginawa mo sa CR?"
"Ano ba ginagawa sa CR? Common sense nga bestii!"
"Duhhh! I mean bakit hindi mo ko sinama? Diba pag tuwing nagCCR ka lagi mo kong sinasama?" nagtampo naman agad si bestii.
"Ok sasabihin ko na. Nagtxt kasi si twittle na may sasabihin sya sakin at magkita kami sa CR. "
BINABASA MO ANG
Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETED
Teen FictionDo you believe in destiny? The two people met by accident. They are meant to cross their path for a reason. They become a childhood bestfriend turn into puppy love.