Chapter 6 - Monday

491 23 2
                                    

Kyline POV

Ang nangyari pala kahapon diba sabi ko may taping kami sa mall? Wala naman masyadong nangyari e. Taping lang naman at umuwi na kami ni mama nun. Tsaka naging successful naman ang Start ng taping ko at Contract Signing ko nung saturday.

Eto ako ngayon sa school, start na ng flag ceremony. Kasi nga monday.. Syempre dahil monday....

"Hi Bessssstiiii!!!!!" sigaw ni bespren habang papalapit sakin sabay beso.

Nginitian ko na lang sya kasi magiistart na ang flag ceremony.

Magkasunod lang naman kami sa pila eh. A ako sya B. Isang tao lang naman nakapagitan samin e.

Nang matapos na ang flag ceremony,

Nagsipasukan na kami lahat sa room..

Pagkaupo ko sa upuan ko,

"Hi bestii! Congrats!" bati ni bespren sakin pagkaupo namin.

"Thank you best!" sabi ko.

May mga classmate na binati na din ako dahil sa ganap na artista na ko. Haha!

"Good Morning Class!" natahimik ang lahat ng bumati si Ma'am Soriano. Kahit ako nagulat eh. Andadaldal kasi ng mga classmate ko lalo na si bespren!

"Good Morning Ma'am!" late na bati namin.

"Ok Class, Congrats your classmate Kyline Alcantara because she is now already an Actress of *toot* network." sabi ni Ma'am.

May ganun? Hindi ko ineexpect na babatiin nila ako.

"Congrats kyline!"

*poked *poked

Tingin sa likod >>...>>

"Congrats!"

"Kyline! Congrats!"

"Artista kana kyline! Wag mo kami kalimutan ha."

Ayan ang mga naririnig ko sa room.

Nakakatuwa naman.. Pagkatapos nila ako batiin. Tumayo ako at sinabi

"Thank you Ma'am and Classmates! Hindi ko kayo makakalimutan. Hehe!" Hanudaw? Haha. Wala ako masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh. :3

.

.

Nung nagbell na para sa Recess, pumunta na kami ni bespren sa Cafeteria. At nag order na kami ng makakain namin.

Pagkatapos namin umorder, umupo na kami at may lumapit samin na lalaki....

"Hi kyline!"

Best - (>.>)

Me - (-.-)

"Pwede ba maupo?" sabi ni kuya.

Nagkatinginan kami ni bespren at habang si bespren ay nagtataka kung bakit may lalaki sa harapan namin.

"Bakit hindi kayo nagsasalita? Nagulat ba kayo sa kagwapuhan ko?" sabi ni kuya na medyo Feeler. Haha!

Nagulat kasi kami ni bespren na may biglang kumausap samin na lalaki. Halatang gulat na gulat si bespren eh.

"Kyline, diba sabi mo friends na tayo? Tsaka sabi ko sayo simula ngayon sasabay na ko sainyo magrecess" sabi ni Kuya.

Isip, isip,isip! Ahh. Sya yung kachat ko nung friday. Ang bilis ko naman kalimutan!

"Ah oo, sya pala yung bespren ko si Andrea, Best, si Nathaniel pala. Tama ba nathaniel? " pakilala ko sakanila sa isa't isa.

"best, sino ba yan? Hindi ko alam na may kaibigan ka pala sa ibang section. Tss." bulong sakin ni bespren.

"best, explain ko nalang sayo mamaya ah. Be nice to him nalang." bulong ko sakanya.

"Tss." sabay hindi kibo ni bespren.

"Tawagin nyo nalang akong Nathan, mahaba kasi pag Nathaniel. So ikaw pala si Andrea, nice name!" sabi ni Nathan. Inirapan lang sya ni bespren.

"Nga pala kyline, Congrats!" sabi sakin ni Nathan. "Salamat" sagot ko.

Dahil walang kumikibo habang kumakain kami, si Nathan na ang nagbasag ng katahimikan.

"Alam nyo ba matagal ko na kayong gusto maging kaibigan, kasi nung unang pansin ko sainyo parang iba kayo sa mga nakikita ko dito sa school." kwento ni Nathan.

"As If naman na gusto ka namin maging kaibigan!" pagtataray na sabi ni bespren sakanya kaya siniko ko sya.

"Pasensya kana sakanya, Wag mo na lang pansinin ang pinagsasabi ni Andrea, pag nagtagal naman magiging kaclose mo din naman sya." sabi ko kay Nathan.

"Ok lang" sagot ni Nathan.

"NEVER!" sabi naman ni bespren. Sa tingin ko bagay sila. Haha.

"Uy! Bro! Dalian mo padating na si Ma'am!" sabi sakanya ng lalaki na umakbay sakanya. Classmate nya ata.

"Wait lang bro! pakilala ko muna sayo new girlfriends ko, si Kyline at Andrea! Kyline at Andrea si Glenn pala tropa ko."

Sabi nya. Girlfriends!?

"Girlfriends? Duhh?" sabi ni bespren. Ngayon ko lang nakita sya na nagtaray ng ganyan.

"Ugh Hi!" bati ni Glenn daw. Mukhang Nerd ata to.

"I mean babaeng kaibigan." sabi ni Nathan.

"Sige, mauna na ko may klase pa ko. Salamat pala Kyline. Alis na kami. Bye Andrea!" Paalam nya samin sabay kindat kay Andrea. Yieeee! Feeling ko may gusto to kay bespren. Nakita ko si bespren na nakataas lang kilay.

"Best, alam mo hindi ko talaga feel yang lalaking yan. Pano mo yan nakilala at hindi mo man lang sinabi sakin?" biglang tanong nya sakin nung nawala sa paningin namin sila Nathan.

"Nakilala ko lang naman sya sa FB. Sya una nagchat sakin sabi nya kung Ok lang daw maging kaibigan nya tayo, tsaka mukhang mabait naman sya eh. Kasi tinignan ko din naman buong profile nya. Kaya wag ka mag alala." sabi ko sakanya.

"Haynako bespren! Kung sayo ok, sakin hindi!! Masama kutob ko dyan! Mamaya gusto lang satin makipagkaibigan baka may binabalak o may kailangan yan satin!" reklamo nya. NapakaOA neto!

"Wag ka ngang OA best, dito sya nag aaral sa school natin. Tsaka wala namang estudyante dito na gagawa ng tulad ng iniisip mo. O baka may gusto ka lang sakanya kaya kunwari ayaw mo sya." Hahaha. Pagtripan ko nalang to si bespren.

"Ewww! Mandiri ka nga sa sinasabi mo besti! Para sakin, mas gwapo pa rin si Darren Espanto!" sabi nya. Kapag kasama ko to si bespren lagi nalang si Darren Espanto tinatopic nya. Pati tuloy ako lagi syang iniisip kaya mas lalo ko syang nagiging kilala dahil kay bespren.

"Haysst. Alam mo besti, gwapo din naman si Nathan ah. Bakit hindi ka nalang pumayag maging kaibigan natin sya. Mas maganda nga may kaibigan tayong lalaki para may tagapagtanggol sa lahat ng aaway satin." sabi ko sakanya.

"Bahala ka best!" sabi nya na may pagtatampo.

"Tara na nga baka malate pa tayo!" sabi nya at sumunod nalang ako.

--

Nang magdismiss na ang klase namin,

"Bye best," paalam ko sakanya sabay beso. Kasabay ko sana umuwi si bespren kaso susunduin sya ng mama nya kasi may pupuntahan sila.

"Ingat" sabi nya.

--

Pagkauwi ko sa bahay,

"Oh anak nakauwi kana pala." sabi ni mama nung paglingon nya. Kasi nagluluto sya ng tanghalian namin.

Naupo muna ko sa Sofa..

Hayss. Nakakapagod!! tinanggal ko na backpack tsaka nilagay sa tabi.

"Nga pala anak, sa saturday wala kang taping, so magmomall nalang tayo. Tsaka bibili na din ako ng mga damit na susuotin mo sa Taping." sabi ni mama.

"Ok ma," sagot ko.

--

AUTHOR'S NOTE

Please spread my story to all Darrenatics and KyRRen Fans! Thank you! Please Vote and Comment na rin po :)

-tin

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon