Chapter 32 - It's Me Again

204 10 3
                                    


Kyline POV

2nd day ng rehearsal namin ngayon.

Kaya ang ang itsura ko pagkagising ko ay eyebags.

Kulang na kulang ako sa tulog kagabi dahil sa Darren na yun!

Hindi talaga ako makatulog dahil sa pag iisip sakanya. Wag nyong isipin na nainlove na ko dun. Dahil ang totoo, inis na inis ako kung bakit nagpakita pa sya sakin! Tapos ganon nalang kung umasta sya. Tssk. -.-

Kaya ngayon, tinatamad ako magpraktis dahil baka makita ko na naman yun.

Kung pwede lang sana magback out. Pero nakakahiya naman sa management noh.

"Hahahaha. Nakakatawa naman yang mukha mo kyline. Sinisira mo ba talaga ang ganda mo? Bakit parang kulang ka sa tulog?" pang asar na sabi ni Mianne.

"Sige. Pagtawanan mo lang ako." sabi ko sakanya at tinalikuran sya.

"Oopps! San ka pupunta? Mag sstart na po ang rehearsal." sabi nya. Ay oo nga pala! Tsk

"Teka, naperfect naman natin yung nirehearse natin kahapon diba? Pwedeng hindi na tayo sumabay sakanila." sabi ko.

"Oo nga. Kaso may sasabihin daw yung choreo sa'ting dalawa." -Mianne

Ano naman kaya sasabihin sa amin? May papagawa na naman ba?

"Kyline and Mianne, please go in the other room and rehearse with Darren." sabi ng choreographer samin.

Wait? Anudaw?? Rehearse w/ Darren??

"Oh narinig mo yun? Dun daw tayo sa kabilang room at magrehearse daw tayo kasama si Darren!" excited na sabi ni Mianne saken at napasimangot nalang ako.

Imbis na ayaw ko umalis sa pwesto ko. Bigla nalang ako hinila ni Mianne palabas ng room na pinagpapraktisan namin.

"Ano ba yan Mianne, ano bang trip mo at kailangan mo pa ko hilahin?" sabi ko sakanya.

"Eh ikaw? Anong trip mo at ayaw mo pa umalis sa pwesto mo?" -Mianne

"Parang awa mo na Mianne, ikaw nalang muna magrehearse kasama sya." sabi ko sakanya.

"Ewan ko sayo kyline, pag si Darren na talaga pinag uusapan, lagi ka nalang nawawala sa sarili." -Mianne

Yan na naman po sya sa sermon nya. -__-

"Oo na. Eto sasama na!" padabog na sabi ko.

"Yun naman pala eh. Kailangan kasi act normal lang. hindi yung parang affected ka masyado." -Mianne

Pagkapasok namin ng room kung nasaan daw si Darren.

*hinga malalim

Act normal. Sana lang talaga na wag ako magpadala sa inis ko.

Pinihit na ni Mianne ang door knob at yun nga bumungad samin si Darren na nagpapiano.
Napahinto sya nang makita kami.

"uhmm.,Hi!" pacute na sabi ni Mianne. Kinikilig lang to eh!

Ako eto ako sa likod nya. Poker face lang.

ngumiti lang si Darren kay Mianne.

Feeling ko nga hindi ako nag eexist dito. Parang sila Lang dalawa ang tao.

"Pinasabi ng choreo namin na dito muna daw kami magrehearse kasama ka." sabi ni Mianne kay Darren.

"ay oo nga pala. Sinabi nya na din sakin kanina." sabi nya.

Bakit pag si Mianne ang kausap, malumanay lang sya magsalita?

Kaya habang nag uusap pa sila eh. Pinaglalaruan ko nalang mga daliri ko at nakayuko.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon