Chapter 3 - Good News

581 24 6
                                    

Kyline POV

Andito ako ngayon sa school, isang subject nalang ay magrerecess na. Grade 8 student ako at star section.

At habang hinihintay namin ang susunod na teacher na papasok sa room.

*poked *poked

Etong katabi ko, kalabit ng kalabit! Ano naman ang kailangan neto? Amp!

"Best, ano balita?" tanong ni andrea na kanina pa kalabit ng kalabit. Tsaka anong balita pinagsasabi nya? Ano ako radyo, t.v o dyaryo na para sabihin kung ano ang balita? CORNY!

Sya pala si Andrea Brillantes ang bestfriend ko nung Grade 7 pa lang. Mabait at maganda sya at magkasundo kami sa ibang bagay. Kaya nga naging bestfriend ko eh. Kaso medyo loka loka lang.

"Anong balita pinagsasabi mo best?" tanong ko sakanya.

"Wala ka bang ibabalita saken? Nakakatampo naman." sabi nya sabay pout at iwas tingin. Laos na yan uy! Hindi ko nga alam pinagsasabi neto. Adik lang talaga sya sa mga ganyang eksena. Haha. Love ko parin yan kahit ganyan yan minsan. Hahaha!

"Best, maya nalang tayo magchikahan ha, anjan na kasi si mam eh" sabi ko

"Ok best" tumango sya.

"Good Morning Class!" bati ni Ma'am Dela Cruz sa klase.

"Good Morning din Ma'am Dela Cruz!" bati namin sabay tayo.

Ayun lang naman ang laging nangyayari sa weekdays ko. Mejo boring!

Start na ng discussion at wala naman akong naiintindihan. Tsk!

Inaantok ako -___- *yawwwn*

Pano ba naman kasi History ang subject, sino ang hindi maboboring.

"Blah. Blah. Blah" ayan lang ang mga naririnig kong sinasabi ni mam. Pagpasensyahan nyo na, lutang utak ko eh. Hehe

*ringgggg (recess time)

Hindi ko namalayan nagbell na pala, yung bestfriend ko nagmamadali bumaba sa cafeteria. Nawala lang antok ko nang bigla nyang hinila ang wrist ko at tumakbo sya. At eto ako kasunod nya habang hawak nya pa rin kamay ko. Hindi naman sya masyadong atat noh?

Aisst. Pasaway!

"Best, anong gusto mong kainin?" tanong ni best. Kung makapagtanong to, akala mo manlilibre eh. Haha

"Kahit ano!" sagot ko.

"Walang nakakain na kahit ano!" Alam ko! Common sense naman!

"Hindi naman kasi ako nagugutom best eh," sabi ko. Sa totoo lang kasi mas gusto ko pang matulog kaysa kumain. Grabe kasi magpatulog yang history na yan. Tsk. Tsk. Tsk

"Wag ka ngang KJ kyline! Kumain ka!" anong KJ dun? Hindi naman talaga ako nagugutom eh. Umupo muna ako sa kabilang table na pandalawahan lang. Binigay ko na ang pambayad kay andrea para sya na ang mag order ng kakainin namen.

"Oh eto, ikaw nalang mag order ng akin. Kung ano sayo iyon nalang din akin." sabay abot ko sakanya ng pera.

"Best, carbonara at pineapple juice nalang oorderin ko ha, parehas tayo" sabi nya. "Sige" Tumango nalang ako. At pumunta na sya dun at nag order. Samantalang ako hinihintay sya.

Nang makabalik na sya. Naupo na sya at bigla nyang naitanong saken, "ano na balita best?" yan na naman!! hindi ko alam kung ano sinasabi netong balita eh. Tsss..

"Ano ba kasi yun best?" tanong ko.

"Diba nag audition ka? Anong nangyare? Magkwento ka naman!" Sabi nya sabay tingin sakin na handang makinig.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon