Chapter 27 - True Feelings

287 14 11
                                    

A/N

Hello readers!! Ifafast forward ko na itong story, dahil hindi na ako makapaghintay ng ending. Hahaha pero sana magustuhan nyo pa rin. :) Thanks po sa pagbabasa!! :)

-------------

Kyline POV

After 3 months..

Ilang araw na lang at matatapos na ang school year namin. Next school year, ay seniors na kami.

Ang bilis talaga ng araw! Sa tatlong buwan na lumipas, dumaan ang araw ng patay, pasko at bagong taon at syempre valentines..

Pero sa tatlong buwan na yun, mas naging close pa kami ni Darren. Yeah! Tama ang narinig nyo. As in close na kami kumbaga we're bestfriends. Nasasabihan ko na din sya ng mga secrets ko.

Childhood friend/Classmate/Boybestfriend

Dahil sa tatlong buwan na din yun, nagkaroon din kami ng Guest Together, Photoshoots at Etc.

Pero madalas lang naman, kasi hindi pa ganoon kaPopular ang LoveTeam namin, nagkakaroon din naman kami ng maraming projects kaso hindi lang kami magkasama.

Yung about naman kay Twittle, simula nangyari yung incident sa CR, bigla nalang sya nawala na parang bula.

Pero ang balita daw sakanya ay nasa ibang bansa sya. Natapos na din kasi ang contract nya sa *toot* network. At yung teleserye na pinagbidahan namin noon, tapos na din ang taping nun kaya pinapalabas na sya until now.

Wala na kaming communication sakanya. Pero balita namin babalik na daw sya dito sa Pilipinas para ipagpatuloy nya ang career nya. Siguro magsasign sya ng panibagong contract.

"Alam nyo, bagay kayong dalawa!" sabi ni bestii samin ni Darren.

Magkakasama kaming maglunch dito sa cafeteria. As usual, wala pa rin namang pinagbago maliban lang sa sobrang closeness namin ni Darren. :)

At oo nga pala, naging madaldal na ko pati si Darren kasi nahawaan kami sa mga kaibigan namin na sina bestii, nathan at Glenn.

"Hindi kami bagay, tao kaya kami!" sabi ko.

"Boom basag!" -nathan

"Hahahaha!" -glenn at darren

"Aynako!!! Yan nanaman kayo! Ako nalang lagi trip nyo! Ikaw bestii, pinagpalit mo na ba ko kay darren? Masyado na kasi kayong close at nakakalimutan mo ata na may isa ka pang bespren! Hmp!" -bestii

"Nagdadrama ka na naman andrea, hindi ko naman aagawin sayo si kyline." -darren

"Bestii, anjan naman si nathan oh!" turo ko kay nathan.

"Sus!! Yan! Lagi lang kami nag aaway nyan." -bestii

"Ako ang kawawa sainyo! Lahat kayo may partner pero ako wala, tsaka ako pa nagiging referee pag nag aaway kayo." sabi ni glenn na nagdadrama. Hahaha

Ngayon ko lang si Glenn nakita magdrama! Hahaha laptrip talaga yung mukha nya nakapout pa!

"Yuck! Bro!! Ang bakla mo naman! May pout kapang nalalaman tska gusto mo ng partner? Tara hanap tayo ng chix" sabi naman ni nathan.

"Hoy! Hoy!! Kayong dalawa tigilan nyo nga yang dalawa! Mga kalokohan nyo!" -bestii

"Hahanap lang naman kami ng chix, masama ba yun? Tara na din Darren sama ka samin." -nathan

"Dinadamay nyo si Darren sa kalokohan nyo!" biglang sabi ko.

"Uyyy! Magbespren talaga kayo ni andrea! Nagseselos lang siguro kayo pag nakahanap kami ng chix. Haha." -nathan

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon