Chapter 7 - Guest

450 25 2
                                    

Darren POV

Excited na ko magperform sa Florida Academy. Hindi ko alam kung bakit. Talagang pinaghandaan ko ang ipeperform ko mamaya sa school na yun. Guest kasi ako at hindi ko alam kung paano ako naging Guest dun. Ang alam ko lang kaibigan ng Manager ko ang May-ari nun. Siguro nagrequest na iGuest ako. Hehe.

"Ren, magready kana, maya maya pupunta na tayo dun." sabi sakin ni Tita Ria.

"Sige po!" sagot ko.

"Oh anjan na pala si Manager!" sigaw ko nung nakita kong may lalaking pumasok sa Gate.

"Bakit naman ang aga nya? Matagal pa naman start nun." sabi ni tita Ria na habang ako nakangiti lang sakanya.

Baka naman gusto nya lang makita si  Tita Ria ng matagal. Haha.

"Good Morning!" bati ni Manager pagkapasok ng bahay namin.

"Hello Manager! Ang aga mo ata?" tanong ko sakanya na may halong pang aasar. Hahaha. Sa totoo lang matagal ko ng alam na may gusto sya sa tita ko. Sinabi nya mismo sakin yun. Secret lang daw namin. ^__^

"Kailangan talaga maaga ren, alam mo na! Kaysa malate diba?" sabi nya sakin na sabay taas baba nya ng kilay.

"Oo nga po manager! Hahaha!" sang ayon ko nalang sabay tawa.

"May nakakatawa ba dun ren?" tanong ni Tita Ria na nakaupo sa sofa.

"Wala po Tita. Natatawa lang talaga ako kay Manager. Haha!" sabi ko sakanya.

"Oh umalis na tayo baka malate pa tayo. Mga Guro at estudyante pa ang naghihintay satin." sabi ni Tita.

Lahat kami ay dumeretso na sa car at si Tita na ang nagdrive. Ganun lagi ang pwesto namin nasa likod ako lagi.

On the way na kami sa school na yun...

At naramdaman kong bigla nalang akong kinabahan. Hindi naman ako ganito sa ibang gineguest ko. Parang kakaiba lang.

--
Kyline POV

Friday na ngayon.. wala naman klase ngayon eh kasi may program lang naman sa school at required daw lahat ng estudyante na pumunta. Wala daw aabsent. Dapat hindi ako papasok ngayon. Nakakatamad kaya!!

Eto sabay kami ni bespren pumasok at parang madami ata ngayon ang estudyante na nasa gym at lahat naka Tshirt na kulay green.? Anong program meron ngayon?

Dumiretso kami ni bespren sa Gym at may binebenta na kung anu ano doon. Lahat kasi binebenta nila kulay green. Ano meron?

"Kyaaahhhhh! Bestii!! Ngayon pala pupunta si Darren dito sa school! Bakit nakalimutan ko. Tsss" sabi ni bespren. Kala ko ba lagi syang updated kay Darren?

Oo nga pala napansin ko din na may mga nakasuot na Tshirt na nakalagay Darrenatics. Tapos yung iba may picture ni Darren. May mga Pompoms and banner din sila. Etong si bespren hindi mapakali.

"Bestii! Bili tayo ng Tshirt ohh!" sabi nya.

"Ano ka ba best! Wala akong pera!" sabi ko.

"Nu ba yan! Libre kita!" sabi nya na Naka puppy eyes. Sa kuripot nyang yan. Manlilibre sya tapos sa mamahaling Tshirt pa! Worth of 250 pesos? Yung totoo?

"Weh? Ako? Lilibre mo? Ang mahal kaya ng Tshirt na yan!" sabi ko.

"Ano kaba best! Ok lang yan basta kay Darren Espanto. Tsaka malaki naman baon ko at ayaw ko naman palampasin ang pagkakataon nato. Hindi na nga ko nakakapunta ng Mall tour nya eh!" Sus! Kaw na maraming pera! Bahala ka!

"Bahala ka best, lagot ka sa mommy mo ubos na baon mo! Kaw nalang bumili kung gusto mo. Tsaka dalawa pa bibilhin mo eh di bale 500?!" reklamo ko sakanya.

"Wag ka mag alala best. Gift ko na rin to sayo. Tignan mo tayo lang naka Uniform, ayaw ko na naiiba tayo! Tsaka pinaalam ko na to kay Mommy." sabi nya habang dumukot ng 1k sa wallet nya. Whoa! Sya na mayaman. Ubod naman ng kuripot sa pagkain. Tsk -.-

"Haysst! Bahala ka." sabi ko nalang.

"Kyahhhhhh"

"OMG! Nasa backstage na daw si Darren!"

"Wahhhhhh!"

Mga naririnig kong sigaw ng mga babae. Ang Ingay dito sa GYM grabe!! sakit sa Tenga!

"Bestii! Upo na tayo dun sa harap! Para makita natin ng malapitan si Darren!" sabi nya sabay hila sakin. Ilang beses ba ko hinihila nitong babae.. tsk

Nang makaupo na kami, grabe ang sigawan dito sa gym, hindi simpleng sigaw kundi tili ng mga babae. Nakakabingi. -____-

"Good Morning students, Are you ready to see Darren perform in our stage?" sabi ng teacher na emcee.

'Yessss!'  sabay sabay sigaw ng mga nanonood.

"Ok, actually nagreready na si Darren sa backstage and wait for a few minutes." sabi ng emcee.

'Kyahhhh!'
'Pabitin!!!'

Sigaw nila halos takpan ko na tenga ko. Isama mo pa ang napakalakas na tili ng katabi ko na si bespren. Suot na namin yung green Tshirt.. kaso parang ako lang ata ang hindi tumitili dito. Hindi kasi ako sanay.

Nagulat ang lahat ng biglang may tumugtog na Domino by Jessie j. Kaya lahat napatayo.

So it means anjan na sya sa stage?

"Kyaaahhhh!!!" Tili nila at hindi nga ko nagkamali. Nagsimula na syang magperform sa stage.

"Omg bestiii! Ang gwapo ni Darren!" sabi ni bespren habang palakas na ng palakas ang tilian.

~rock my world until the sunlight ~
~take this dream the best I've ever known~
~Dirty dancing in the moonlight~

Lahat ng estudyante napapasabay na sa pagkanta nya. Iba talaga ang dating nya kapag nagpeperform sya. Tulala lang ako habang nanonood.

Hindi ko pala namalayan tapos na pala sya kumanta samantalang ako kanina pa tulala sa kanya. Ewaannn!!! Ang galingg nya kasi!

Pagkatapos ng pagkanta nya ng Domino, sinayaw naman nya ang Bangbang. Yun lang pinerform nya. Tapos may free autograph at meet and greet pa kasi pagkatapos nun.

"Nag enjoy ba kayo mga taga Florida Academy!? Thank you Guys for supporting me especially the Darrenatics.. " sabi nya na halos hindi marinig dahil sa sobrang lakas ng tilian.

"Anyway,..." pagpatuloy nya at bigla syang napatingin sa direksyon ko. At napangiti. Sabagay kilala nya na siguro ako nung pinakilala ako ni twittle.


"Bestiii! Kanina ka pa tinitignan ni Darren!! Kyaahhh!" sabi ni bespren habang ako ay tulala pa rin. Ewan ko para kasing nagmagnet mata nya saken.

"Students and Teachers of Florida Academy, Thank you for inviting me to Guest here in your school especially to the Principal. " yun lang naman ang sinabi ni Darren.

"Ok Students! Yung mga bumili ng Tshirt at posters kanina, may meet and greet kayo at autograph later kay Darren. Kaya pumila na ngayon yung nakabili." sabi ng emcee.

"Omg besti! Buti nalang nakabili tayong Tshirt. Excited na ko mameet si darren." sabi ni bespren na kanina pa masaya. Samantalang ako, normal pa rin.

"Ikaw nalang kaya best, kasi mahaba pa pila eh. Una na ko sa room ha." sabi ko sakanya at bigla nya kong hinila at pumila kami para sa meet and greet.

Nakahawak lang talaga si bespren sa wrist ko para daw hindi daw ako makawala. Loka loka talaga!


••••••••••••••
AUTHOR'S NOTE

Continuation po sa Next Chapter, Meet and Greet. Maigsi lang sya. Please Vote and Comment po. Salamat :)

-tin

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon