Chapter 11 - Confirmed

477 24 4
                                    


Kyline POV

Pagpasok ko ng room bumungad na sakin ang masayang mukha ng bespren ko..

Kaso pagdating kay nathan lagi sya nakabusangot. May sapi lang talaga!! Tsk tsk tsk.

Sigurado akong masaya si bespren dahil sa excited na sya sa ikekwento ko. Darren yan eh! Sya pa ata masaya para sakin. Haha :D

"Good morning bespren!" bati sakin..

"Good morning din! :)" bati ko din.

"Oh ano na?" tanong nya.

"Saglit lang naman. Paupuin mo muna ko!" sabi ko sakanya habang dumiretso sa desk ko at sya ay nakasunod lang sakin.

"Wait lang bestii, tama ba na ikwento ko sayo dito sa room? Mamaya kasi may makarinig." sabi ko sakanya.

"Halika dun tayo sa CR. Para walang makarinig, tutal 30 minutes pa bago dumating si Ma'am" sabi nya. Bakit hindi ko naisip yun? Hahaha.

"Sige." sabi ko at sabay pumunta na kami sa CR at nilock namin yun para wala agad makapasok.

----------

Third Person POV

Sa kasalukuyan na habang nagkekwento si kyline kay andrea, hindi man lang nila alam na may tao pala sa isang cubicle at hindi sinadyang marinig ang kanilang pinag uusapan..

At tahimik lang ang babaeng nerd na nakikinig sa kanila, hindi muna sya lumabas dahil baka makita sya nila kyline at andrea.

"Sineswerte ka nga naman bestii!! Alam mo kung ako sayo aminin mo na sa sarili mo na crush mo si Darren, kasi malinaw naman na kahit sinong babae eh magkakagusto talaga sakanya." sabi ni andrea..

"Bestii. Natatakot kasi ako lalo na artista na ko syempre hindi madali yun. Kung hindi naman ako naging artista, eh malayang magkaCrush ako sakanya at maging fan nya pa ko."

"Ok bestii, tayong dalawa lang naman ang nakakaalam neto tsaka hindi naman to lalabas sa media na may crush ka sakanya." sabi ng bespren ni kyline.

"Sige bestii. Secret lang natin to ahh. Kaso pano yun? Pag kaharap ko kasi si Darren naiilang at nahihiya ako, pano ko naman sya tatratuhin lang na normal lang?" sabi ni kyline.

"Isipin mo nalang na hindi sya artista at parang kaibigan mo na din sya kung tratuhin at maging komportable ka pag kaharap sya para hindi mahalata." payo ng bespren nya.

Habang sila ay tuloy lang sa pag uusap, ang babaeng nerd ay kating kati na lumabas dahil baka malate na sya..

Dahil sa hindi nya na mapigilan eh binuksan nya na ang cubicle at parehas nagulat ang magbespren...

"Narinig mo ba ang pinag uusapan namin.?" tanong ni kyline sa babaeng nerd.

"Pasensya na hindi ko naman sinasadya na marinig yun." sabi ng nerd na kinakabahan at nakayuko lang.

"Siguraduhin mong hindi mo ikakalat yun ah." pagbabanta ni andrea in a sweet way.

"Oo naman, tsaka wala naman akong kaibigan sa room at isa pa hindi naman ako tsismosa" sabi ng nerd.

"Ok mabuti kung ganun." sabi ni andrea.

"Sige, mauna na ko." paalam ng nerd sa dalawa at mabilis na lumabas ng CR.

-----------------

Kyline POV

Kanina pa kami nag uusap ng bespren ko hindi man lang namin alam na may tao pala sa isang cubicle..

Buti nalang nerd yung nakarinig at ang alam ko yung mga nerd hindi naman nangingialam. Libro lang inaatupag nila tulad ng kuya ko. ^~^

.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon