Andrea POV"Oh bestii?? Anong nangyari jan sa mukha mo at pulang pula pa mata mo?" tanong ko kay bestii na kapapasok lang ng room.
Baka umiyak sya dahil sa nangyari yung sa bulletin board..
Hayy. Alam kong si Twittle lang naman may gawa non. Naku!! Sarap sabunutan ng babaeng yun!!
"Ah wala bestii, napuwing lang ako kanina." palusot nya.
"Sus, wag ka magpalusot! Alam ko na kakaiyak mo lang noh. Dahil ba dun sa picture mo sa bulletin board?" tanong ko.
"Hindi bestii, napuwing lang talaga ako." malungkot na sabi nya.
"Aynako. Sige mamaya punta ako sa bahay nyo ah. Kwento mo mamaya kung bakit umiyak ka. Bespren mo ko, pag may problema ka, andito lang ako." sabi ko sakanya.
At tumango nalang sya.
Nakita kaya ni Darren yung sa bulletin board? Ang alam ko nalate sya kanina, at hindi nya naabutan yun dahil may nag tanggal na daw.
Buti naman. :) Para hindi maworry si Darren. Hihi
Oh speaking of Darren, andito pala sya. Kaharap ni bestii. Hihihi
Napansin kaya ni Darren na kakaiyak lang nya?. Hmm.
Buti hindi nya narinig yung sinabi ko kay bestii kasi nakaheadphone sya.
Lumingon sakin si Darren, at napansin nya siguro na dumating na si bestii galing CR, at sumenyas kung ano daw ba nangyari kay bestii at parang ang lungkot daw ng mukha at nakayuko pa.
Binulong ko nalang na, wala lang sa mood si bestii at tumango nalang sya.
Uh ohhh!!
Concern lang ang peg??
Pag nakita ko lang talaga yung Twittle na yun! Sasabunutan ko talaga!! Pero joke lang yun. Haha baka mapatalsik pa ko dito sa school.
Ang Plastik kase! Bwiset na babae yun. Sya siguro nagpaiyak kay bestii.
Hayy speaking of the devil!
Andito na sya. At may balak pa atang tumabi kay Darren.
Napatingin pa sya sa direksyon namin ni bestii at umirap lang.
Wow! Kala mo naman kung sinong maganda! NapakaPlastik naman!! Grrrr!! Nanggigil talaga ako pag nakikita ko pagmumukha nyan!!
"Oh hi andrea, long time no see and no talk." plastik na sabi nya.
"Hehehe oo nga eh." Plastik din na sabi ko.
"Kamusta kana?" tanong nya sakin.
Actually nasa likod nya lang ako at magkatabi sila ni Darren. Bale nasa likod nila kami ni bestii nakaupo.
"Eto, maganda pa rin. Eh ikaw kamusta naman?" tanong ko.
"Ayy parehas lang tayo! Pero dagdagan ko lang yung akin, Maganda, Sexy at Fresh pa rin." ngiting sabi nya.
PWE!! Tanggalin ko nunal mo eh!
"Ah ganun ba. " sagot ko. "~parang hindi naman~" bulong ko.
"Ano sabi mo?" sabi nya. Mukhang narinig ata yung binulong ko.
"Wala noh. Oh anjan na pala si Ma'am." Buti nalang biglang dumating si Ma'am.
Kundi hindi ako makapagpigil sabunutan tong nasa harap ko.
Haba pa naman ng hair... hahaha
Parang ako tuloy nagiging kontrabida dito. Haha sige na nga itigil ko na ang walang kwentang POV ko. :P
BINABASA MO ANG
Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETED
Novela JuvenilDo you believe in destiny? The two people met by accident. They are meant to cross their path for a reason. They become a childhood bestfriend turn into puppy love.