Chapter 34 - This Is It

167 9 1
                                    


Kyline POV

Ngayon na ang araw ng concert ni Darren.

Mamaya maya, magsisimula na ang concert nya.

Kinakabahan ako. Haharap na naman ako sa maraming tao. Sanay naman ako, kaso karamihan na pupunta ngayon ay mga fan ni Darren na Darrenatics.

Syempre magugulat silang guest niya ko. Marahil naging loveteam kami noon.

Nasa dressing room ako ngayon kasama si Mianne at mga make up artist namin. Dahil nagreready na kami para mamaya.

Biglang may nagtakip ng mata ko. Kaya nagtataka ako kung sino 'to. Si Mianne lang naman ang pwede gumawa neto sakin.

"Mianne! Bakit mo naman tinatakpan ang mata ko!" sabi ko kay Mianne.

Nakarinig ako ng mga boses ng babae na nag uusap. At humihighik.

Sino naman sila? At parang feeling ko may pumasok dito sa dressing room.

"Hulaan mo, kung sino 'to?" sabi ng babaeng nagtatakip ng mata ko.

Familiar ang boses nya. Pero imposibleng si Mianne 'to dahil medyo may Accent kay Mianne at eto naman ay pure tagalog.

"Sino 'to?" tanong ko.

Nang tanggalin nya ang kamay nya na nakatakip sa mata ko,

Nagulat ako nang makita sya.

Si bestii? Andito??

"OMG. Bestii!!!" sigaw ko tapos napayakap sakanya.

Nakita ko din sila Mama at Manager ko na andito. Si Mianne ay nakangiti lang sa amin.

"Gulat ka noh? Hahaha after how many years, nagkita din tayo!!" sabi niya tapos kiss sa magkabilang pisngi ko.

Ang sweet nya noh? Hahaha

"Teka, paano ka ba nakapunta dito?" tanong ko.

"Syempre sumabay ako sa Mama mo tsaka libre naman eh! Tapos ako lang nagbayad sa ticket ni Darren." sabi ni bestii.

"Ganun ba? teka, ipakilala ko muna si Mianne. Halika mianne! Eto nga pala sya tapos eto si andrea brillantes bestii ko." pakilala ko sakanila sa isa't isa.

"Hello!" sabi ni Mianne.

"Hello din! Mukhang magkakasundo tayo ah!" -bestii

"Oo nga. Hahaha!" -Mianne

Nag apir pa ang dalawa.

"Sige bestii at Mianne, punta na kami dun sa seat namin ah. Mag iistart na kasi ang concert." sabi ni bestii.

"Oh anak! Goodluck sainyo ah. Dun na kami." sabi ni mama.

"Goodluck!" -Manager Lauren.

"Sige thank you po! Kita nalang tayo mamaya bestii ah!" sabi ko.

Lumabas na sila ng dressing room at kami nalang ulit ang natira.

"Kinakabahan kaba Kyline?" tanong ni Mianne.

"Medyo." sabi ko sakanya.

"Kaya natin yan! Aja!" sabi ni Mianne. At sabay na kaming lumabas para magready. Pumunta muna kami ng backstage.

Nakita ko si Twittle at Darren na nagpeprepare na din. Dahil silang dalawa ang Opening number.

Hanggang sa...

Kaming tatlo na ang susunod na papasok. Si Mianne, Ako at Darren.

Dahil kakantahin namin ang 'Almost is never Enough' by Ariana Grande.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon