Kyline POV3 days na after concert,
Gabi-gabi ako hindi makatulog. Pano ba naman kasi iniisip ko pa rin ang nangyari noong concert ni Darren. Lagi na syang pumapasok sa isip ko kahit hindi naman kailangan. Tss.
Ano ba itong nangyayari sakin?
Lagi nalang akong puyat, tapos pag wala akong magawa tinitignan ko nalang yung mga picture namin nung concert sa social media.
Madami kasi ang kumuha ng litrato sa amin non. Aaminin ko, sa tuwing naaalala ko iyon at nakikita ang mga litrato, hindi ko maiwasan mapangiti.
Hindi sa kinikilig ako ah! noong kasama ko kasi Darren nun, Parang sya pa rin yung nakilala ko dati, humble, malambing at mabait. Parang bumabalik ang friendship namin.
Pero hindi ata pwede to! Iba na din kasi ang nararamdaman ko ngayon nang makita ko ulit sya.
Parang may kumikiliti na sa aking tyan pag nakikita sya.
Tapos hanggang ngayon, kapag wala ang presence nya parang nakakalungkot ang buhay ko!
Syete! Ang OA ko na! XD
Aaminin ko na nga, namimiss ko sya. Pero sya kaya? Namimiss nya ko?
Alam ko namang hindi eh! kasi nakabalik na sila ng Pilipinas at alam kong busy na naman sila ni Twittle.
Kung namimiss nya talaga ako, nagawa nya sanang imessage ako sa IG ko at ibang accounts ko.
Haysss. siguro ganun lang talaga si Darren sa araw ng concert nya dahil ayaw nya lang masira image nya! hmp.
Gusto ko na makalimutan sa isipan ko iyon! Pero paano???
Halos nakalimutan ko na inis pala ako sakanya!
Kamusta naman kaya sya?
Makatawag muna kay bestii,
Kaso may biglang tumatawag sa phone ko na unknown number.
Sino naman kaya iyon?
Sinagot ko na baka emergency eh.
"Hello?" -ako
(.......)
Walang nagsasalita.
"Hello sino po sila?"
ihhhh! Ang creepy naman neto.
(......)
"Sige ibababa ko na."
Ibaba ko na sana kaso biglang nagsalita na.
(Hi ate kaiiiiii!!!!!!!!)
Nilayo ko sa tenga ko ang phone dahil sa boses ng kausap ko.
Sino naman yun?Batang babae?
Tinignan ko ang number, from Philippines pala ang number na to. Di kaya isa to sa mga fans ko?
Paano naman kaya nalaman ang number ko?
"Teka, sino ba 'to?" tanong ko.
(Si Lynelle po ito ate. sayang po hindi po kita nalapitan nung concert. Ang layo po kasi ng upuan namin. Pero grabe po!!! I'm so kilig sainyo ni kuya!!!!) sunod sunod na sabi nya.
"Ahhh. Eh pano mo nalaman number ko."
(Sabihin nalang po natin na, nakita ko po number nyo sa hiniram kong phone at tinawagan po kayo ng may ari at pinakausap po saakin.)
Huh? Anodaw?
"Eh saan mo naman nahiram ang phone at bakit alam nya ang number ko?"
(Ahhhmm..) tut. Tut. Tut.
Ay? Binabaan ako? Anyare dun?
--------
Lynnelle POV
Yeheyyyy!!!!! May POV din ako!!! Hihihi! Inagawan ko po kasi si kuya ng POV. Hehehe
Yaan nyo nalang po sya! Ako nalang muna pansinin nyo! Ok?
Kainis po kasi, ayaw nya akong pahiramin ng Iphone nya. May titignan lang naman ako. Hmp!
Pero dahil po sa mautak ako, ayun inagaw ko sakanya at hinahabol nya ko. Buti nalang hindi nabagsak ang Iphone6 nya. Mwehehehe
At nabuksan ko yun ng walang kahirap hirap dahil alam ko password nya. Hihihi
"Akin na nga yan lynlyn!" -kuya Darren
"Bleeeh! Pahiram muna ko!!" -ako
Tapos sabay kalikot ko ng phone nya.
Tinignan ko po kung may number po sya ni Ate kai, at tama nga hinala ko, meron nga.
Tapos tinanong ko si kuya.
"Kuya, may new number pala si Ate Kai sa Iphone mo?? Ibig sabhin ba nyan, may communication na kayo. Hihihi!" -ako
"Ano ba lynlyn, akin na nga yan!" -kuya
Ay! Beastmode na sya!
"In one condition! Idial mo number ni Ate Kai! Dali! Gusto ko sya makausap!!" sabi ko.
"Busy yun! Kaya tumigil kana lynlyn." -kuya
"Ehhh bahala ka jan! Pag hindi mo tinawagan si Ate kai, ipagkakalat ko sa buong mundo na bakla ka!" sabi ko na pang asar kay kuya. Hehe
"Oh akin na at idadial ko." sabay abot ko sakanya ng Iphone nya.
Takot pala sya eh! Hahaha
Nakita ko naman na dinial nya ang number ni Ate Kai.
Bakit antagal naman sagutin at tahimik lang si kuya na pinakikinggan ang ring.
Hmp. Baka pinagloloko lang ako neto ni kuya.
Kaya inagaw ko ulit sakanya ang phone at nakita ko nga na naka 15 secs. na yun tawag. So it means kanina pa sinagot ni Ate Kai. Hindi lang sinasagot ni Kuya?
"Hi ate kaiiiiii!!!!!!!!" sigaw ko.
(Teka, sino ba 'to?)
Ibig sbhin hindi pa alam ni Ate Kai ang number ni kuya?
"Si Lynelle po ito ate. sayang po hindi po kita nalapitan nung concert. Ang layo po kasi ng upuan namin. Pero grabe po!!! I'm so kilig sainyo ni kuya!!!!" sunod sunod na sabi ko. ^_^
(Ahhh. Eh pano mo nalaman number ko?)
Tumingin ako kay kuya at na shhh lang sya. Syempre hindi ko naman ibubuking si kuya noh. Hahaha
Nakaloudspeaker na kasi ang phone kaya naririnig din ni kuya ang sinasabi ni ate kai.
"Sabihin nalang po natin na, nakita ko po number nyo sa hiniram kong phone at tinawagan po kayo ng may ari at pinakausap po saakin."
palusot ko.(Eh saan mo naman nahiram ang phone at bakit alam nya ang number ko?)
"Ahhhmm.." tut. Tut. Tut.
tinakpan ni kuya bunganga ko tapos inend nya ang call.
Hmp. Panira si Kuya! Hindi ko naman sasabihin yun. :(
"Kuyaa!!!! Ang Bad mo! Kinakausap ko pa si ate kai eh!" sabi ko na nakapout.
"Baka madulas ka kapag pinagpatuloy mo pa." sabi ni kuya.
"Hindi ko naman sasabihin kuya eh! Tsaka ano naman kung malaman nya na sayo ang phone na gamit ko?" sabi ko.
"Basta. Keep quiet. " sabi niya at dumiretso na sya sa kwarto nya.
Ano kaya problema nun ni kuya?
Bahala sila. Basta botong boto ako sa Kyrren!!! Hihihi ayoko kay twittle, parang maarte kasi! dikit na dikit kay kuya parang linta. Pwe!
KYRREN FOR THE WIN!!
-------
A/N
Hanggang dito lang muna. Hahaha
Pabitin eh. :) Thank you pala sa mga nagvovote at nagcocomment. At sa pagtiyatyaga magbasa neto. Hehe
Keep reading po ^___^
-tin
BINABASA MO ANG
Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETED
Novela JuvenilDo you believe in destiny? The two people met by accident. They are meant to cross their path for a reason. They become a childhood bestfriend turn into puppy love.