Chapter 36 - I'm Back

160 9 0
                                    


Kyline POV

After a long months! Dumating na din ang araw na pinakahihintay ko. Ang makabalik ng Pilipinas.

Natapos na din kasi Graduation ko noong nakaraang linggo. At wala naman gaanong nangyari. Binigyan lang naman kami ng medal at certificate. Yun lang naman at kung ano ang karaniwang ginagawa pag graduation.

Hindi tulad sa Pilipinas, nagkakaroon muna ng mga program at kung anu-ano.

Kaya eto ako ngayon sa NAIA, nilalanghap ang hangin ng Pilipinas. Hahaha

Almost 3 years din akong wala dito. Nakakamiss.

Pikit mata ko pang nilalanghap ang sariwang hanging dumadaloy sa aking mga balat.

Habang nagmomoment ako dito sa labas ng NAIA ay bigla akong nakarinig ng nagtitiliang grupo ng babae at biglang lumapit sa akin.

"Hi kyline!!! Lalo kang gumanda!! Papicture!!"

"Wahhh kyline!!! Mga fan mo kami dito. papicture!"

"KAIII!!! OMG! Ang ganda mo na! Bagay na bagay talaga kayo ni Darren!"

Ayun lang ang mga naririnig ko pagkalapit nila sa akin. Natouch naman ako sakanila dahil talagang full support sila saakin at nag effort pa silang gumawa ng banner. :)

Ngumiti ako at nagpapicture na din sila saakin. Sanay na din ako sa mga ganitong eksena. Tsaka kailangan ay maging humble sakanila. Wag isnabin.

Syempre mga ilan lang silang fans ang nandito dahil ang alam ko ay walang nakakaalam na nakabalik na ako dito. Kundi si bestii lang.

Speaking of bestii, ay tumatakbong lumapit sya sa akin.

"Ayan na pala si president!"

"Ayan na si Admin!!"

Teka? Ano yung pinagsasabi nila.

"Hello guys! Pasalamat kayo sa kin!" sabi nya sa mga babaeng nakapalibot saakin na may hawak na banner.

"Thank you Admin!!!" sabay sabay na sabi nila.

"Anong kinalaman mo dito?" tanong ko kay bestii.

"Enebe! nakalimutan mo na ba na ako ang president at admin ng fansclub niyo ni Darren! Kaya ayun! Nagsama ako ng 20 person para imeet ka at salubungin ka dito." paliwanag ni bestii.

"Ay ganun ba. Thank you bestii dito at thank you din sainyo. Naappreciate ko ang pagpunta nyo guys!" ngiting sabi ko sakanila.

Ngumiti din naman sila. Nakakatuwang isipin, dahil kung wala sila ay wala din ako sa kinalalagyan ko ngayon.

"Pano ba yan, napagbigyan ko na kayo ah! Bigay nyo na gusto nyong ibigay kay Kyline at pwede na kayong makauwi. Dahil magpapahinga pa sya ok?" sabi ni bestii sa mga fans.

Tumango naman sila. At isa isang inabot saakin ang mga regalong nakapaper bag pa.

Awww. Nakakatouch talaga. iba talaga yung feeling na kaharap mo mismo ang mga fans mo.

"Sige thank you po! Alis na po kami. Sana magkita po ulit tayo Ate kai." sabi ng babae sakin. Mas matanda siguro ako doon ng 2 years.

Niyakap ko naman sila isa isa at nagpaalam na ako sakanila.

Nang makaalis na sila,

"grabe besti, ang ganda ng salubong mo saken." ngiting sabi ko kay besti.

"Ganun talaga besti! Bespren kita eh! " sabi nya sabay akbay sakin.

Naglakad na kami papuntang parking lot kung nasaan sila mama.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon