Chapter 21 - Moment

322 20 5
                                    


Kyline POV

Pumasok ako sa isang cubicle. At napahawak ako sa dibdib ko.

Dug.dug.dug.dug

Hingal na hingal ako. Di ko alam kung bakit, hindi naman ako tumakbo.

Pagod lang siguro to.

Pero bakit ganun?

Nakuryente ako ng hawakan ni Darren ang kamay ko?

Napailing nalang ako. Iniisip ko bakit kailangan ko pa umiwas kay darren ? Feeling ko ang sama sama ko! :(

Sa tuwing iniiwasan ko sya, nangongonsensya ako!

Ano dapat kong gawin? Ang awkward lang pag nagsasama kami.

Lilipas din to. Hayyy. :3

Lumabas na ako ng cubicle..

Kinalma ko muna ang sarili ko at tumingin sa salamin.

Shet! Pinagpapawisan ako ng malagkit!

Kaya imbis na makipagtitigan nalang ako sa sarili ko sa salamin. Inayos ko na ang sarili ko at pinunasan na ang pawis na tumutulo sa aking mukha.

Yung feeling na nagpahinga kana. Tapos pinagpapawisan ka pa? At ang malala pa eh hindi na ako napagod after ko magpahinga.

pagdating ko ng field..

Naabutan ko si bestii at si darren na ang naglalaban.

Kaya naglakad na ko papunta sa tabi ni twittle kung saan nakaupo sya.

Hindi ata napansin ni twittle na umupo ako malapit sa tabi nya dahil busy sya sa phone nya..

Kaya pinanood ko nalang sila bestii na naglalaro. Oo aaminin ko napapatingin po ako kay Darren. Malamang hindi naman talaga maiiwasan yun lalo na't naglalaro sya ng badminton.

Napakagaling nya pala maglaro nito. Kahit malalakas na ang tira ni bestii, nasasalo nya pa rin.

"Grabe darren! Hindi ko alam na magaling ka pala magbadminton!" sigaw ni bestii habang tinitira ang malakas na tira ni Darren. Gets nyo? Hahaha!

"Favorite sport ko kaya ito." sagot naman ni Darren na seryoso sa paglalaro.

Nang makita ko syang pawis na pawis na, hindi ko maiwasan mapatingin sakanya. Malamang sino ba naman maglalaro ng nakajacket!

Buti na lang at naglaro sya na wala ang malaking headset at ang hoodie ng jacket nya. Kaya mapapansin mo ang basa ng buhok nya dahil sa pawis.

"Oh bestii, kanina ka pa pala jan. Ikaw na next dito, matatalo na ko ni Darren!" Sigaw ni bestii sakin.

Wait matatalo na daw sya ni Darren? Means ako makakalaban ni Darren?

"Ako?" sabi ko habang tinuturo sarili ko.

"Ayy. Hindi bestii! Yung katabi mo!" Expected ko talaga na babarahin ako ni bestii. Pero ayoko lang talaga makalaro si Darren sa badminton! Ang galing nya kaya!

"Pero..." mahinang sabi ko.

Agad na nagsalita si bestii,

"Walang pero, pero! Isang puntos na nga lang eh. Matatalo na nya ko -oww! Sabi na nga talo na ko eh! Oh ikaw na bestii!" sabi ni bestii at inabot sakin ang raketa at shuttle cock.

At ako tulala lang at hindi kinukuha ang inaabot sakin ni bestii.

"Hoy bestii! Tulala ka jan! Ano! Nangagawit na ko."

"Ayaw ko na kasi maglaro bestii eh!" sabi ko sakanya at napatingin ako kay darren na nasa field na nakapamewang at nakatingin samin. Yung parang pagod ?  Tumingin ulit ako kay bestii.

Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon