Kyline POV
Friday na at bukas sabado na. Ang bilis ng araw! Hindi ko akalain na bukas na agad ang taping ko. Huhu. Kinakabahan akoo!!
Kasi bukas ko na din makikilala ang mga makakasama ko sa taping. Mababait kaya sila? Sana hindi masungit ang direktor. Hehe.
Andito ako ngayon sa bahay nanonood ng TV sa sala, actually, kauwi ko lang kanina galing school. Tsaka inaya ko din si andrea dito sa bahay para magmovie marathon kasi minsan nalang kami magbonding eh.
Umuwi muna sya at susunod nalang daw.
*Dingdong
Anjan na pala sya, pinagbuksan ko na ng gate..
"Oh best, ano yang box na dala mo?" tanong ko habang nakatingin sa bitbit nya.
"Binaked ni mommy to na cookies, sabi nya eto daw kainin naten habang nagmomovie marathon." pumasok kami sa bahay at naupo sa sala.
"Ang sweet naman ng mommy mo."
"Binalita ko kasi sakanya na start na bukas ang contract signing at taping mo at syempre minsan nalang kita makabonding kaya naisipan namen na ipagbaked ka ng cookies."
Awwww.. sweet naman nila mag ina saken.
Hindi ako nagsisi na nagkaron ako ng bespren na tulad nya kahit minsan may saltik sya. Haha. Peace best ^_^v
"Akala ko best, mommy mo lang ang sweet, ikaw din pala" nagawa ko pa magbiro. Haha
"So sinasabi mo na hindi ako naging sweet sayo dati?" sabay paawa effect nya. Itsura ng babaeng to! Kailangan talaga magdrama? Haha!
"Binibiro lang naman kita best, syempre lahat ng kasweetan mo sakin, naappreciate ko yun." sabay ganun. Hehe
"Sige manuod na tayo! Ano ba magandang movie ngayon?"tanong nya.
Aba ewan ko -__- hindi naman ako mahilig manuod ng movies lalo na ang horror movies! Nako! Baka hindi ako makatulog nyan.
"Ikaw maraming alam jan eh." sagot ko sakanya.
Kinuha nya ang remote at may nilipat na channel.
"Oh my dee! Darren myloves!" sabi nya habang nakatutok sa TV. Sinasapian na naman ang bespren ko. Kilig na kilig sa idol nya eh. Kaya eto ako napanuod na din. :P
"Baby come on ohh.
Rock my world until the sunlight,
take this dream
the best I've ever known" sinasabayan ni bespren ang pagkanta ni Darren.
"Ang galing nya pala!" sabi ng isip ko habang nanunuod din.
Tutok kaming dalawa ni bespren habang nakanganga na sya. Hahaha! Epic face ni andrea! Pft. Laptrip!
Patuloy pa din ang panunuod namin habang napapangiti ako sa itsura ng bespren ko kapag nanunuod. Haha
(A/N: oh baka kay darren? :))
Guest ata si Darren sa isang show, pagkatapos na nyang kumanta ay ininterview na sya at may kasama syang dalawang girl na kasama din sa iinterviewin.
Magkapatid yata tong dalawang girl. Parehas silang maganda pero hindi sila magkahawig. Parang nakita ko na ang isang girl na maamo mukha. Ah! Dun sa CR. Sya pala yun. Ang ganda nya ^_^
"Best, hindi ko feel yang nakacolor pink na yan. Si Twittle Dizon yan. Loveteam ni Darren. Madami nga yang bashers sa social media eh" sabi ni bespren habang nakabusangot ang mukha sa tuwing tinitignan si twittle.
BINABASA MO ANG
Mr. Destiny (Puppy Love) - COMPLETED
JugendliteraturDo you believe in destiny? The two people met by accident. They are meant to cross their path for a reason. They become a childhood bestfriend turn into puppy love.