--
Next morning. Pagdilat ko medyo napapikit pa ko dahil sa sikat ng araw. Araw? Teka panong may araw eh sa sala ako natulog?
Napabalikwas ako ng bangon ng mapansing nasa kwarto na ko ngayon.
“good morning misis”
Medyo nagulat ako ng may yumakap sakin mula sa likuran pero Hmm. Kung ganito kagwapong lalaki ang babati sakin kada umaga hindi na ko magrereklamo, at siguradong gaganda ang pakiramdam ko.
Ooops. Ano daw sabi ko?
Tama ba nasabi ko sa sarili? Pinuri ko si Jeno?
Hindi.
“pa..paano ako nakapunta dito?” pag-iiba ko, tae hindi ko na gusto tong kakaibang nararamdaman ko kay Jeno ha.
“binuhat kita, nakalimutan mo na, grabe ka ha?” after nun, ngumiti pa siya ng nakakaloko.
“ha?” what the heck? Ha? Anong sagot yun Ella?, “ah…ah I mean kinaya mo ko?”
“oo naman tss. Sisiw nga lang eh, kumain kana, ipagluto pa kita oh” maya maya lang inabot nito yung tray na may pagkain.
“para sayo yan, ako pa nagluto nito” pagmamalaki pa nito, tinitigan ko lang siya habang inaayos niya yung pagkain, habang tumatagal nag-eenjoy na kong titigan yung mukha ni Jeno, nung una wala akong magawa kapag hinahalikan niya ko tapos ngayon… hay ano ba tong nararamdaman ko?
“Ella?”
Dun lang ako bumalik sa katinuan, nang tingnan ko uli si Jeno, as usual nakangiti na naman ang hinayupak.
“ah..sa..salamat, excuse c.r lang ako” after nun nagmadali akong tumakbo ppunta ng c.r
[Jeno’s pov]
Habang tumatagal lalong lumalalim yung simpleng nararamdaman k okay Ella lalo na kagabi ng pagmasdan ko siyang matulog..
** flashback **
Nang dumating si Ella umakyat na ko sa kwarto para sana matulog pero pagdating ko sa kwarto tinamaan naman ako ng konsensiya, matutulog ako ng komportable sa kwarto samantalang si Ella nasa sopa at nahihirapan?
Nagpasya akong bumababa ng kwarto pero pagdating ko dun tulog na si Ella, lumapit ako par asana gisingin siya kaso mukhang himbing na himbing na sa pagtulog si misis.
Hindi ko talaga maiwasang sumaya sa tuwing nakikita ko siya, alam kong magulo dahil una may mahal na ko at si Bianca yun pero hindi naman masama kung magkaron ako ng gusto kay Ella dahil asawa ko siya?
Ipiniling ko na lang ang ulo ko dahil ako mismo nalilito lalo na nung malaman kong hindi affected si Ella kay Bianca.
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M
