[a/n] : ito na yung kasunod ng chapter 37 …
Muntanga lang? malamang kasunod talaga to diba? Nu ba susunod sa 37 ? 38 malamang .. ambobo lang ^_^
Hahahaha. But what I mean is, diba umamin na si Ella? Kaya ayun..
Basta basahin nyo na lang ..
-----------
Muntanga na lang ako habang naglalakad ng luhaan sa may village namen, buti na lang may meeting ngayon ang lahat ng home owners kaya ayun, walang gaanong tao ngayon.
Di na pala ko nakapasok sa school, e sino ba namang makakapasok diba?
Basta ayun naglalakad nga ako ng luhaan. As in luhaan, baka nga maubusan na ko ng tubig nito sa kakaiyak e. pero wag naman sana, gusto ko pa naman mabuhay.
Grabe, ganito pala ang masaktan sa tinatawag nilang ‘PAG IBIG’.
Kala ko pa naman nung minahal ko si Jeremy, puro happy moments ang mararamdaman ko.
Hay.
Naupo ako sa may gatter at doon nagpakatulala.
Ay hindi, binuksan ko pala yung cp ko at hinanap ang picture ni Jeno na pinasa ko dati.
“ang pogi mo talaga mister, di nga talaga tayo bagay.” Sigh
“businessman ka, business hater naman ako. Pogi ka, cute lang ako. President of bully ka, vice lang ako. Mayabang ka, mabait ako. Heart rob ka, simple lang ako. Unggoy ka, tao ako. Mahal mo si bianca, mahal naman kita o diba paano tayong magiging bagay?”
Ayun na naman si Ms. Tear, tumutulo na naman sa mga pisngi ko.
Tss. Nagiging tamabayan na ng luha yung pisngi ko a? nag eenjoy naman siya masyado. T______T
“nagiging iyakin na ko ng dahil sayo Jeno”
“pumapanget ka na rin ng dahil sa kanya Ella” bigla akong napatingala nun.
“Jeremy?” sa di malamang kadahilanan napayakap ako ke Jeremy, “Jeremy” banggit ko sa pangalan nito habang humahagulgol na, “Jeremy hindi ko na alam kung kakayanin ko pa”
“kakayanin mo syempre kahit para kina Shane at Shon na lang”
Oo nga pala, may anak pa kami kaya bakit hindi ko alam ang gagawin ko?
E pero …
“akala ko kaya niya sinabe sa lahat na asawa niya ko kasi gusto na niyang iwan si Bianca pero ang totoo gusto lang niyang ipagsigawan na mahal niya si Bianca”
“Ella hindi ko rin kaya ….. na nakikita kang nasasaktan”
Alam ko Jeremy, alam ko yun.
Siguro ang dapat ko na lang gawin talaga ay palayain si Jeno.
TAMA palayain ang taong gusto ng kumawala.
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M