update ko na din pala :))
sinipag magsulat e :))
-------------------------------------------------
[pov ni Bianca pa din]
Pagbalik ko sa room, ayun nakatingin ang grupo nila Ella sakin. Lalo na yung mga kaibigan nito, with matching pigil pa ng tawa. Sigurado namang ako ang pinagtatawanan ng mga yun e. I’m such a looser!
“wag mo na lang silang pansinin Bianca” sabi ni Ryza habang inaalalayan akong umupo.
Maswerte pa rin pala talaga ko dahil may isang Ryza na nagtyatyaga sa ugali ko at nag stay para lang hindi ko maramdamang nag iisa ako.
“Ella what? Susunduin ka ng ASAWA mo?” tanong ni Ying na talagang binigyang diin pa yung ASAWA kaya naman halos lahat napatingin kay Ella na simple namang siniko si Ying.
“so what Ella? Asawa mo naman sii Mr. Jeno, take note, A S A W A!”
“Ying!” saway ni Ella. Nagulat ako ng pinuntahan ako ni Ella sabay abot ng kamay nito.
“sorry!” di ko inaasahan na sasabihin ito ni Ella sa harap ng mga classmate namen pero maarte na kung maarte pero hindi pa ako ready na humarap kay Ella. Alam kong sobrang mali yung ginawa ko. Aminado naman ako dun e pero syempre di ko pa rin maiiwasan na mgalit kay Ella dahil siya pa rin ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon.
“excuse” after nun lumabas na ko ng room. Pero nagulat ako ng biglang may nagsigawan sa likod ko.
“Ella!”
“gosh anong nangyare sa kaniya?”
“namumutla si Ella”
“dalhin natin siya sa clinic” nang lumingon ako nakita kong nakahandusay sa sahig ang walang malay na si Ella. Gusto ko sana siyang lapitan ang kaso natatakot naman akong mabaraw ng mga kaibigan nito. Naging masama ako kay Ella, inagaw ko ang asawa nito kaya ano ang karapatan ko na magkaron ng concerns dito? WALA.
Sa garden sa school ako napadpad ng mga paa ko, hindi ko alam kung bakit dito. Basta isa lang ang alam ko, gusto kong umiyak.
Umiyak ng umiyak yung tipong parang wala ng bukas.
Mag iisang oras na siguro ako dito sa garden na umiiyak. Oo! Umiiyak pa din ako, wala na rin namang silbi ng buhay ko kaya okay lang kahit maubusan na ako ng luha. Wala na namang nag aalala sakin at higit sa lahat, wala ng nagmamahal sakin. Nag iisa na lang ako.
“Nandito ako sa school ni Ella dahil hinimatay daw siya” napahinto ako sa pag iyak ng may marinig na isang pamilyar na boses ngunit hindi ko naman makilala kung sino. Lalapitan ko na sana ito ng nagmadaling tumakbo ito papunta sa clinic.
Narinig kong si Ella ang binanggit nito, and speaking of Ella, kamusta na kaya siya? Ano kayang nangyare sa kaniya? Buntis ba siya kaya siya hinimatay? E baket parang ang sakit isipin na buntis nga talaga si Ella? Ang sakit isipin na magkakaanak na sila ni Jeno ng lalaking pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M