chapter 19

544 18 4
                                    

after 10 years, nakapag-update din ...

salamat at nagustuhan niyo po ito :))

---------------------------------

OMG! Ngayon na ba niya kukunin to? Pero sobrang aga pa para dun. Nangangati na ba to? Wag naman sana.

Napapikit ako, hindi pwede ngayon , may bukas pa naman eh, basta wag muna ngayon Jeno!

Nagmulat ako ng mga mata ng marinig ko ang malakas na pagtawa ng binata! Tinapunan ko ito ng masamang tingin kaya naman nanahimik ito.

Akmang tatayo na ako ng muli niyang hawakan ang kamay ko.

“ano ba?” inis na sabi ko, ang aga aga trip na ko agad.

“galit ka na naman ba misis?” sa halip na sumagot, iniripan ko na lang siya, ang dami niya na talagang kasalan sakin, kagabi, nambabae siya tapos ngayon pagtitripan niya ko?

Alam niyo yun?

“hindi, ayoko ng kainin yan!” sabay pumiglas pero hindi niya ko pinakawalan kaya uminit na ang ulo ko.

“ano ba Jeno? Kung wala kang magawa, sundan mo na lang yung mga langgam sa garden kung saan sila pupunta.”

Nagulat na lang ako ng tumawa ito ng malakas, lalo tuloy nag-init ang ulo ko.

“aba misis, joker ka rin pala, napatawa mo ko dun ha?” anito sabay yakap, awtsu! Bakit parang ang sarap sa pakiramdam ng ganito?

Nag-eenjoy ako sa yakap niya???

Tiningnan ko siya na hindi pa rin tumitigil sapagtawa, noon ko lang nakita ng ganoon kalapit ang mukha ni Jeno na para bang magsalita lang ako eh matitikman ko na ang mga labi niya uli.

“misis?”

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala sakin ang maamong mata nito dahil naging abala ako at nag-enjoy sa pagtitig rito.

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon