[Jeno’s pov]
After lumubog ng araw nagpasya na kaming umuwi sakto namang tulog na yung mga bata kaya nagpahinga na rin si Ella.
It’s been two days na rin na wala kami ni Bianca. Masakit na naghiwalay kami dahil sobrang tagal na rin namen pero at the same time Masaya rin kasi pwede na kong maging loyal kay Ella.
Naks maging loyal. Parang di ako tong nagsasalita ha.
Di ko naman maiitanggi na ayokong mawala sakin si Ella, kung ako nga lang tatanungin, wala talaga kong balak na ipa annul yung kasal namen hindi dahil sa pamilya namen kundi dahil sa ayaw ko lang.
Lumabas muna ko ng bahay para magpahangin, gusto ko na rin kasing kausapin si Bianca ang kaso alam ko naman na hihilingin lang sakin nun na hiwalayan ko na si Ella which is hindi ko na kayang gawin maybe I like Ella na.
Well di naman mahirap mahalin si Ella.
Napatigil lang ako sa pag iisip ng may Makita akong isang pamilyar na tao na nakatayo sa may gate.
“no kelangan nito?”
Nilapitan ko ito, “gabi na para manligaw ka pa sa asawa ko”
“so alam mo na rin pala na alam ko”
“so?”
“I want to talk to Ella”
“tulog na siya sa KWARTO NAMEN!” pagdidiin ko pa sa ‘kwarto namen’. Ang epal kasi, alam ng may asawa si Ella nililigawan pa.
“asawa mo lang siya sa papel pero hindi ka niya mahal” eh baket parang gusto kong suntukin si Jeremy sa sinabi nitong hindi siya mahal ni Ella?
“kahit anong gawin mo, mag asawa kami ni Ella, hinding hindi ko siya bibitawan” taas noong sabi ko.
Subalit ngumisi lamang ito, “pinagmumukha mo lang tanga si Ella”
“I like her” what the… san nanggaling yun? Baket parang may sarili ng utak ang bibig ko?
“Really? Does she like you too?”
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M