chapter 15

640 23 8
                                    

todo na natin tong pag-a-update!!!

hahahahah

___________________________________________________________

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ang babaeng nakatalikod.

Si Ella.

“a…anong ginagawa mo dito?” alanganing tanong ni Ella, hindi ba ako dapat ang nagtatanong nito dahil kasama nito sina papa?

“ikaw bakit nandito ka?” nakita ko namang simpleng tumawa ang mga nasa table. “at ano naman po ang nakakatawa?”

[ella’s pov ]

Hindi ako makatingin ng diretso kay jeno, lalo na at alam kong ito rin pala ang matagal ng itinakda ng kaniyang pamilya na papakasalan niya.

“jeno, she’s ella joy maskarino, you fiancee”

Nakita ang panlalaki ng mata ni jeno lalo na ng tumingin siya sa akin.

“a…anong ibig niyong sabihin?” alanganing tanong nito, kagaya niya ramdam niyang miske ito ay gulat na gulat sa nangyayari.

“siya ang mapapangasawa mo.”

“pe…pero!”

“bagay na bagay kayo anak” masayang sabi ng ina nito.

“te..teka!” huminga ito ng malalim, “yung pagpilit niyo sakin na pumunta sa cordillera”

“tama ang nasa isip mo iho, pinapunta ka namin dahil alam namin ang plano ni ella!”

“da?” alam ng mga ito na nabasbasan na sila sa cordillera?

“so hindi niyo sinabi agad sakin na siya pala yung babaeng papakasalan ko?”

“anak binibigyan ka naman namin ng pictures ni ella kaya dapat in the first place kilala mo na siya lalo na nung unang beses kayong nagkita!” sabi ng mama nito.

Ganun naman pala bakit hindi niya ko nakilala?

“alam niyo kesa magtanungan tayo agad, bakit hindi muna tayo kumain.” Suhestiyon ng kaniyang ama.

Umupo si jeno sa harap niya at simpleng tumingin sa kaniya.

Siyete naman! Kung alam ko lang na si jeno yung fiance ko eh di sana hindi ko na pinagod yung utak ko sa kakaisip, pero thank you Lord ha? binawasan niyo po problema ko.

“so ikaw pala ha” narinig kong bulong nito.

“eh ano naman?” bulong ko rin.

Nakita kong ngumiti ito ng pagkaloko loko. Awww siyete mukhang may pinaplano na naman ang mokong na to.

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon