short update lang po ito (:
Jella... thanks
--------------------------------
“achuuu”
“iww kadirdir ka naman Ella” reklamo ni Jing habang pinupunasan yung sipon na tumalsik sa braso nito
“kaya nga. Uhog mo nasa baba na” pangaasar pa ni Ying
“wag niyo na nga awayin si Ella, may sakit na nga eh” pag aalo naman ni cheng, buti pa to naiintindihan yung sakit niya eh, “oh wala naman siyang sipon ha? Kulangot na yan eh”
Ayun tigi-tigisa silang sapok sakin. May sakit na nga ko inaasar pa nila. badtrip lang.
“sakit? eh sino ba naman kasing nagsabi sa kaniya na maligo siya sa ulan with Jeremy pa ha?” oo nga pala, naikwento ko na pala sa kanila ang nangyari kagabi kaya ayun.
“achuu”
“Ella?” Ying and Jing said in chorus
“ano ba magtakip ka nga ng ilong mo?” dagdag pa ni Ying
“eh sa na… achuu”
“Ella!”
Hindi ko mapigilang ngumiti ng makita ko kung sino ang tumawag sakin, it was Jeremy, waving his hand. Tae naman, ang cute niya talaga, hindi ko nga alam ang dahilan ko kung bakit tinanggihan ko tong maging girlfriend niya eh.
“hi girls” he greeted us, nagsmile naman kami maliban kay Jing, napapansin kong madalas na maging ganito ang reaksyon ni Jing sa tuwing si Jeremy ang nasa usapan.
“Jing may problema ba?” hindi ko mapigilang tanong
“ah…wa…wala” kahit sinabi na nitong wala hindi pa rin ako mapakali.
“sigurado ka?”
“oo naman…sige library lang ako ha?”
We nodded our heads then si Jeremy naman yung binalingan ko, as usual nakangiti siya.
“oh wala kang klase?”
“wala kayo?”
“wala din diba cheng?” pagsalo naman ni Ying, “diba may gagawin din tayo?” napansin kong siniko nito si cheng at alam kong may balak itong ‘MAGUGUSTUHAN KO’, mukhang nagets naman nito ang gustong iparating ni Ying kaya tumango ito
“ah oo nga pala, sige pano bay an maiwan na namin kayo ha?”
“ba-bye”
After kaming iwan ng mababait kong kaibigan, si Jeremy na binalingan ko at tae.. todo titig siya sakin.
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romansa"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M
