ako na. ako na sinipag mag update. bakit ba?
si mama kasi, bawal daw muna magcomputer for a week. arg. umiral na naman kahigpitan niya.
hahahaha
_________________________________________________________________
Pagbaba ko nakasalubong ko si manang, nakangiti na naman. Ito nakakatuwa kay manang, hindi palasimangot di gaya ng ibang meno pause na. peace tayo mga lola XD
“kaganda mo namang bata jan sa suot mo iha”
Naku si manang nambola pa, “salamat po”
“sige na lumabas ka na at kanina ka pa niya hinihintay”
Tumango lang ako saka nagpunta sa may garden, pagdating ko dun. Punong puno ng mga bulaklak saka style Candlelight dinner yung ambiance ng garden namen ngayon.
eh bakit parang????
Kinikilig ka sa hinanda niya sayo?
Eh kasi naman tingnan mo kaya Ella hitsura niya, naka Americana suit pa.
Hmm yan lumabas tuloy ang kagwapuhan niya.
Para siyang prinsipe sa mga fairy tale tapos ako yung prinsesa.
Ella nananaginip ka na naman ng gising.
“hmm misis?” dun lang ako bumalik sa reality. Nakalapit na pala to sakin ng hindi ko namamalayan.
“ano ba meron?” pagtataray ko. Hindi ko kasi makalimutan na mas pinaniwalaan niya yung sinungaling na Bianca na yun over me although medyo nabawasan na yung inis ko sa kaniya dahil sa dinner na to.
“misis! Yesterday was our 1st wedding monthsary”
??
Ano daw? 1st wedding monthsary? “meron ba nun?”
“yup, don’t worry misis, hindi naman ako ang nagplano nito kundi ang mga elders”
Ayy.
Eh baket parang disappointed ako sa sinabi niya?
“di naman kelangan nito eh” kung napipilitan ka lang.
Asar.
Sana di mo na lang sinabi.
Disappointed nga ako.
“as what I said ang mga elders ang may gusto nito”
“okay” tapos umupo na ko
“hmm..kain na tayo”
Maya maya lumabas si manang may dalang pagkain.
Haha. Si manang pala waiter nila ngayon.
Silence.
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romantik"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M