chapter 14

593 24 6
                                        

thanks sa mga nagrerequest na mag update ako agad ha ????

lalo na sa unang nagrequest sa chapter 13 ^.^

_____________________________________________________-

** future wife and husband **

[ella’s pov ]

“wow ganda naman ni flend!” puri ni cheng

“ready for the date?”

“anong date?”

“ito, haba ng hair mo te ha? may jeno kana may mr. fiance ka pa!” pang-aasar naman ni ying.

“hayyy… bakit ba parang tuwang tuwa pa kayo sanangyayari sa buhay ko? Daig ko pa ang mangangabit nito eh.”

“lam mo girl, enjoyin mo lang muna ngayon.”

Enjoyin …

 

Enjoyin …

 

Enjoyin ….

 

Enjoyin ….

 

Enjoyin….

 

“enjoyin” sabi ko ng paulit ulit. Enjoyin ko daw ang gabing to pero pano naman? Ito ang unang beses na makikita ko ang lalaking itinakda nina dada na maging asawa ko tapos kasama pa ang buong pamilya nito.

“kinakabahan ka ba anak?” tanong ni mama sakin habang hawak ang kamay ko, “namamasa na yung kamay mo.”

Buti alam nio, kayo kaya malagay sa sitwasyon ko.

Isip ko.

“kabado talaga ko ma.”

Niyakap ako ni mama atleast kahit papano nabawasan ang kaba ko dahil siguradong hindi ako iiwan ni mama.

“salamat ma!”

“sorry anak!”

Ahhyyy nakakaiyak naman si mama eh.

Nang makarating kami sa restaurant kung saan nandoon na sina papa, dada at iba pang pamilya ko at pamilya ni mr. fiance.

“ma?” tawag ko kay mama, nakita ko naman na ngumiti siya.

“nandito lang si mama!”

Tama! Hindi ako iiwan ni mama.

“apo!”

“go…good evening po!”

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon