chapter 20

560 19 8
                                    

haist habang sinusulat ko to nanunuod ako ng laban nina pacquiao at marquez ...

sad to say talo si pacquiao :((


wala eh, ganun talaga !!!

anyways, dami ko pa satsat .. ito na po !

------------------------------------------------

[Jing’s POV]

Daig ko pa ang sinaksak ng sampung beses dahil sa nakikita ko sa pagitan nina Ella at Jeremy. Sa mga hindi nakakaalam, since high school pa lang kami nina Ella ay crush ko na ito, ay mali….mahal ko nap ala ito, hindi ko nga lang maamin dahil magkaibigan kami at alam kong si Ella ang gusto nito at ganundin ang kaibigan.

Nakikita ko naman kung gaano sila kasaya sa isa’t isa kaya ano pa ang silbi ng pagmamahal k okay Jeremy kung may nagmamahal na rin rito?

Naramdaman kong may humawak sa likuran ko at nang lingunin ko…si Cheng kasama si Ying.

“oh kayo pala!”

“wala ka bang balak na sabihin to kay Ella?” ani Ying na ang tinutukoy ay ang nararamdaman k okay Jeremy, yumuko ako at hindi na napigilan ang maiyak.

Naramdaman ko na lang may yumakap sa akin.

“tama na Jenamarie” pagbanggit nito sa buo kong pangalan. Maya maya rin ay may yumakap pa sa akin, si Ying.

“salamat Chenea”

“basta para sa kaibigan namin”

Marahil ay hindi nga si Jeremy ang para sa akin. At alam ko rin naman na Masaya sila sa isat isa kaya hahayaan ko na lang silang maging Masaya.

Maya maya lang ay bumitiw na si Cheng sa pagkakayakap sakin ng Makita ang isang baklushi.

“steven………………” tili nito.

Napailing na lang kami ni Ying ng Makita naming hinabol ni Cheng si steven a.k.a Angel.

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon