chapter 40

425 10 4
                                        

Tss.

Buti na lang natapos ko na ang chapter na to…

Konti na lang!

Kakain na ko… hahahahaha

(^______^)v

Kakagutom kaya…

----------

Papasok na ko ng school ng makita ko si Jeremy.

“hi je” I greeted him.

“hello, masaya ka ata ah?” puna nito sa akin.

I just smile then nagsimula ng maglakad papasok ng school building. Pero may pagka echusero rin minsan si Jeremy kaya nga minahal ko rin ang isang to dahil sa ugali nyang ganun and ayun nga hindi ako tinantanan.

“uy ganda bakit ka masaya?”

“nothing, sadyang masiyahin lang talaga ako” sagot ko rito. Binigyan naman ako nito ng ngiting aso marahil ay naramdaman nitong hindi ko sasabihin ang dahilan ng kaligayahan ko kaya hindi na ito nagpumilit pa.

“Ellaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Pareho kaming nagulat ni Jeremy ng marinig ang malakas na pagtawag sa aking pangalan, nang lingunin namen, walang iba kundi si…………..

“Jeno?”

[Jeno’s pov]

Hayss. Di ko alam yung mararamdaman ko nang makita kong magkasama sina Ella at Jeremy, pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang inis kay Ella at galit ke Jeremy.

Pakiramdam ko kapag magkasama sila, parang mawawala sakin si Ella. Paranoid na kung paranoid e sa natatakot ako baket ba?

Kaya bumaba ako agad at sinundan sila pero mukhang nag eenjoy pa tong Ella na to at may pangiti ngiti pa ke Jeremy.

Kala ko pa naman ako na ang mahal ni ella pero nakatalikod lang ako sandali, si Jeremy na agad! Ampupu lang ha! Pag umpugin ko tong mga to e.

Arg. Nginitian na naman ni Ella si Jeremy. Nakakayamot na sobra!

“Ellaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko rito kaya naman napalingon silang dalawa sakin, malamang si Ella nagulat pero yung unggoy na kasama ng asawa ko, mukhang hindi naman nagulat.

“Jeno?” gulat na tanong ni Ella, “a…anong ginagawa mo dito? I told you na wag ka ng bumaba diba?”

“may nakalimutan lang ako” I said while looking at Jeremy.

“ano naman ang nakalimutan mo aber?” taas kilay na tanong nito.

Hinawakan ko ang kamay ni Ella atsaka ko hinila palapit sakin at hinalikan.

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon