chapter 30

483 12 4
                                        

“tara cutting na nga lang tayo” yaya ni Ying. Hindi na ko nakatanggi ng hilahin nila yung kamay ko.

Sa Frexeneit Restobar kami pumunta, ang ganda kasi ng ambiance dun. Umorder lang kami ng kape, yun kasi yung special recipe nila dun. Tapos maya maya lang dumating na si steven. Wow ha, nagiging katropa na namen si Steven but still, gerlalu pa rin ang bruho. Well si Ching na bahala sa kaniya.

“alam mo girl, kung nandun lang ako baka nginudngud ko na yun sa kanal” napangiti ako dun. True friends nga naman talaga oh.

“yaan niyo na”

“teka Ella kamusta naman kayo ni papa Jeno sa bakasyon niyo?” tae talaga tong baklang to, napakaintregera.

“okay lang, nagkaron lang naman kami ng anak ng wala sa ora….”

“KYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Arg. Sakit sa tenga ng tili nila.

Sabi na eh, kaya ayokong sabihin.

“AYIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEE Ella buntis ka?”

O___________O ano daw yun?

“ay sa wakas magagamit na rin ang matres mo”

“te..”

“ninang ako”

“ano ba ka…”

“ako rin”

“hi..hindi nam…”

“ay saya saya Ella, ano posisyon nyo?”

O///O                               

Suko na ko.

Nakakayamot naman tong mga to, sarap umpugin.

“masarap ba Ella? Pano kayo nagsimula? Torrid kiss ba muna?”

Teene naman ng mga to, sarap talaga lunurin.

Jusko naman, bakit ba ganyan sila mag isip?

Ang g-green ng mga isip nila.

“Ella ano na? sa kama ba o sa sahig?”

“pwede ba wag naman kayo ganyan, patapusin niyo kaya muna ako pwede?”

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon