Nang bumukas ang pinto agad siyang pumasok at nakita ang nakangiting si jeno, nag-flying kiss pa ang unggoy.
Muntanga lang ang putek! Flying kiss pa ang gusto.
Napangiti ako lalo na ng makita kong pinirmahan ni jeno ang proposal, sa wakas, makakagawa na rin kami ng project.
** first night of new wed **
“ella sigurado ka na bang gusto mo ng umuwe sa bahay niyo ni jeno?”
Pangsampung tanong na nila mama sakin, “ma paulit ulit?”
“anak, nagulat lang naman kami.” Sabi ni papa
“totoo po, doon na ko titira” sabi ko, “namblack mail kasi ang unggoy eh” bulong ko naman.
“aba anak, buti naman at naisipan mo ng magsama kayo!” sabi ni mama na halatang halatang masaya.
“good evening po!”
Napalingon kami nina mama at papa sa pinanggalingan ng boses na bumati sa amin.
Nakangiti na naman, asusual.
“oh iho, uuwi na daw sa inyo ang asawa mo.” Pambungad ni papa rito.
“talaga honey?”
Painosenteng tanong nito. Akala mo walang alam sa nangyayari, plastik mo te.
“oo, para naman may makasama kana dun.” Sabi ko na may kasamang plastik na ngiti syempre.
“buti naman honey, malungkot kasi sa bahay kapag wala ka!”
Itsura mo! Ang plastik mo kuya.
“iho, aalagaan mo ang anak namin ha?”
Ito na naman po kami, si mama, iiyak na naman. Nilapitan ko si mama at niyakap.
“ma naman!”
“mamimis kita anak.”
“ma, magkikita pa naman tayo, palagi.”
“hay naku bago pa kayo magkaiyakan, ang mabuti pa ay bumiyahe na kayo at ng hindi kayo gabihin.” Sabi ni papa.
“sige po!” paalam ni jeno.
Habang nasa biyahe kami hindi mawala ang ngiti ng unggoy kong asawa.
“baka mapunit na yang bibig mo!” sabi ko sa kaniya ng hindi siya nililingon.
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M
