--
Pagdating sa bahay, agad akong humiga. Hay ngayon ko lang naramdaman na antok na antok na pala ako. Kaya ayun hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Paggising ko, medyo madilim na sa labas. Pero napabalikwas ako ng bangon ng Makita ko si Jeno na nakayakap sakin.
“kyaaaaaa”
“misis naman, ang ingay mo talaga”
“hayup ka, sabi na nga ba mamanyakin mo na naman ako” pinaghahampas ko lang siya ng unan, “napakawalangya mo talaga”
“misis ano ba? Pareho naman nating ginusto yun ha?”
“what?” anong parehong ginusto, don’t tell me…”may nangyare satin?”
“obyus ba?”
Halos manlaki yung mata ko dun sa sinabi niya pero teka sabi nila kapag first time diba dapat masakit? Pero te..teka wala naman akong maramdamang sakit ha.
“grabe ka, aggressive ka pala”
O///O ano daw? Ako aggressive sa sex?
“bwahahahahahahaha” yan na naman po tawa niya, “nakakatuwa itsura mo Ella, hahahahaha”
“walangya ka”
“cool ka lang Ella, joke lang, walang nangyari satin” walang humpay pa rin sa pagtawa siya, “ “saka bakit may masakit ba?”
“WALA!” oh bakit parang disappointed kang walang nangyari sa inyo?
Di ako disappointed, Masaya ako.
Bumababa na lang ako ng kwarto, nasira na talaga ang araw ko nang dahil sa gunggong na yun. Naku kung hindi nga lang ako makukulong baka kanina ko pa pinatay yun eh.
“oh iha nakasimangot ka?”
“eh na disappoint po kasi walang nangyari samin”
“asa” hindi ko namalayan nakasunod na pala ang hudas, hinarap ko siya tapos ayun binigyan ko na naman ng malakas na batok “napakamanyak niya talaga manang” sumbong ko sa matanda na parang bata na nagtago pa sa likod.
“isang anak lang naman Ella”
“ASA ka boy, hinding hindi kita bibigyan ng anak no” hinding hindi ako sayo magpapalahi, “saka bata pa ko para sa mga ganung bagay nu”
Nakakaasar talaga sya. Manang help me please, ayoko mademonyo ng halimaw na yan.
“kayo talagang mga bata kayo oh’, ikaw iha, tama lang na ibigay mo iyan sa asawa mo”
“MANANG?”
Hindi ako makapaniwala na sinabi ni manang yun tapos tumawa lang ito pati si Jeno
“tama rin naman si Ella Jeno” binelatan niya si Jeno, “bata pa siya para bigyan ka ng anak kaya dapat gumamit ka muna ng protection para iwas buo”
O.O
Uh-oh. Ano pinagsasabi ni manang? Protection?
Processing…
Processing…
Processing…
Protection?
Tapos maya maya may ibinigay si manang kay Jeno, alam niyo kung ano?
“oh ayan TRUST pa brand niyan ha”
O___O si manang may trust?
Aba. Umaariba si manang ha
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M
