thanks sa mga nagbabasa!
_______________________________________________________________________________
“pinayagan mo naman ako diba?”
Ha? Ta…talaga?
Nakakainis ka naman eh… ang tagal kong iningatan yung labi ko tapos bigla bigla mo na lang akong hahalikan.
“first kiss?” nakita ko naman siyang ngumiti ng nakakaloko.
"No. You already kissed me at the mall." Nahihiya ko pang sabi
"Hmm. Yeah. Pero alam kong first kiss mo pa din ako."
“so ano naman? First time mong makahalik ng babaeng may first kiss?” sabi ko sa kaniya na hindi ito nililingon.
“actually, yes!”
Nagulat naman ako sa sinabi niya, ako ang unang babaeng nahalikan niya na first kiss ng girl?
“weh? Di nga?”
Sa halip na sumagot, tumingin siya sakin at ngumiti.
“masarap ba ang first kiss mo?”
Binato ko siya ng sapatos, pero agad niya itong nasalo “kadiri ka no. nakakainis ka, hindi dapat ikaw ang first kiss ko, nakakainis ka naman eh.”
“hahahahahahaha ang cute mo pala magalit.”
Nabawasan kaunti ang inis ko nang sabihan niya ko ng cute. Lihim akong napangiti. Iba kasi yung Jeno na nakilala ko nun. Medyo masungit kasi yung dati di gaya ngayon. Palangiti.
“joke lang yun ella ha, baka seryosohin mo.”
“ewan!” joke lang pala yung pagsabi niya ng cute sakin. Kahit kelan ka talaga.
[ ella’s pov ]
Hawak pa rin ni ella ang kaniyang labi hanggang sa makauwi siya sa kanilang bahay, damang dama pa rin niya ang init ng labi ni jeno.
“gosh! Anong nangyayari sakin, ganun ba talaga ang epekto ng halik?”
Landi mo na te, kanina ka pa nakahawak sa labi mo, dinadama?
Napangiti na lang siya sa kawalan, maya maya narinig niyang may kumatok at sa uri ng katok nito alam na niya kung sino ang mga ito.
“Ellaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa…………..”
Sigaw ni cheng.
“ano na te?” tanong naman ni jing matapos umupo sa kaniyang kama.
“so anong balita?” pang uusisa naman ni ying.
Astig mga pangalan ng kaibigan ko no? cheng, jing at ying. Hahahaha inborn na yan.
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M