[Jeno’s pov]
“coach Conrad?” sabay pa naming tanong ni Ella.
“na..nasan na ho siya manang?”
“nasa labas pa dahil hindi ko pa siya mapapasok kasi baka Makita niya yung mga gamit niyo eh” nakita kong huminga ng malalim si Ella saka alanganing humarap sa kaniya.
“kelangan maitago natin yung mga gamit ko pati mga pictures natin” halata na rin yung pagpapanik ni Ella kaya kumilos na kaming tatlo.
“Ella yung wedding pic natin” halos magkabungguan na kami sa pagkataranta sa pagliligpit ng mga gamit.
“hey yung family pic pa natin oh”
“oo na wait lang”
“pakisabay na rin ng sapatos ko”
“utos ka ng utos no?”
“wag na nga kayo mag-away. Yung bag ni Ella”
“yung damit ko nakasampay pa”
“oo na. manahimik ka na Ella pwede ba?”
“oo na”
Mukha lang kaming tanga sa kakaikot, daig pa namen yung gumawa ng kalokohan.
Kung hindi nagets. Kalokohan, yung parang kabit lang kami ni Ella dahil kelangan pa namen magtago sa tuwing may ibang taong bibisita sa amin.
Okay na?
Oh yun nga, mga 7-10 minutes siguro yung itinagal namen sa pagliligpit.
“sige na manang papasukin niyo na po si coach” agad naman na lumabas si manang at si Ella, hayun hingal na hingal.
“bakit binigay mo yung address natin?”
“hindi ko naman alam na pupuntahan ako ni coach eh”
Nakita na namen papasok ng gate si coach, “Ella papasok na si coach”
“oo nga at nakatayo pa ako dito”
Obyus nga. “magtago ka na bilis” tinulak ko siya papasok ng cr sa may kusina, kahit mukhang naiinis sa ginawa ko ay hindi na lang nagreklamo si Ella, “dyan ka muna ha?”
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romantizm"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M