[Ella's pov]
Pasalamat ka at wala nang interest yang siningil ko, dahil kung nagkataong wala tayo sa mall. Buntis ka na kinaumagahan.
"Waaah!!!!!! Ayoko naaa!!!!" sigaw ko sa loob ng sasakyan. Ngayon lang kasi nag sink-in sa utak ko yung ginawa at sinabi ng lalaking manyak na yun.
"Waaaah ang first kissssssssssssss ko. Para kay Jeremy yun.... WAaaah hindi na ko virgin.." okay! mukha na kong tanga kakangawa. Pero g*go kasi yung lalaki na yun. How dare him to kiss me that way? at sa mall pa...
habang ako, nagluluksa sa pagkawala ng first ko, yung mga bruhilda kong kaibigan, ayun. busy sa pagtawa ang mga hinayupek!
"Ano ba girls, tigilan niyo na nga ang katatawa! hindi kayo nakakatulong!!!" naiinis kong sabi sa kanila.
"Wag kang OA ah. Di ka ba nag enjoy? Hindi lang yun kiss. Torrid pa." pasigaw na sabi ni Ching. Taena lang ng mga to. Kala ko pa naman mga kaibigan ko pero mukhang nag enjoy pa.
"Atleast ang gwapo ng first kiss mo." puri pa ni Rhel sa lalaki pero hindi naman yun nakatulong para maibsan yung inis ko.
"Kasalanan niyo to e. nahalikan tuloy ako ng manyak na yun.." pagmamaktol ko pa rin sa mga to.
"Hoy, binalaan ka namin. Obyus naman na mahal na mahal ni boy si girl pero nag-Go ka pa din. So definitely, wala kaming kasalanan" paalala pa ni Jing. kaya mas lalo akong nainis! Fudge! Bakit kasi hindi ako nakinig sa kanila.
"Gago yung lalaki na yun. magbabayad siya at ipapahanap ko ang manyak na lalaking yun, ipapakulong ko siya." matigas kong sabi.
"WAg naman. Sayang ang lahi nun. Kahit nakasalamin, alam kong gwapo yun.." ayan na naman sila sa pagpuri sa manyak na lalaking yun.
"oo nga, magpasalamat ka na lang at isang biyaya sa langit ang unang humalik sa virgin mong labi..." taena talaga ng mga to mukhang wala akong maasahang suporta sa mga ito.
"Alam mo Ella, ikain na lang naten yan baka sakaling mahismasmasan ka." aya ni Rhel. At ayan na naman po si Ching sa pagpapaharurot ng sasakyan niyang sobrang bilis.
buong byahe nakasimangot lang ako. Paano hindi ko makalimutan ang bangungot na nangyare sakin kanina. Sino ba namang makakalimot? For damn sake! FIRST KISS ko yun.
One thing is for sure, MAGBABAYAD SIYA!!!!!!!!!!!
atsaka anong? Pasalamat ka at wala nang interest yang siningil ko, dahil kung nagkataong wala tayo sa mall. Buntis ka na kinaumagahan?
gago talaga yun. ipapahanap ko siya sa tito kong ARMY! ipapasalvage ko siya. Promise, gagawin ko lahat makaganti lang sa kaniya.
Pagdating ko sa bahay, syempre andun na naman ang lolo kong makulit.
"Good evening po." bati ko sa mga ito.
"Good evening din iha. I want to remind you about next week.."
"I know Dada.. Akyat lang po ako.." walang ganang sabi ko sa mga ito. Alam ko naman na ang tinutukoy nila ay ang pakikipag meet ko sa apo ni Mr. Garcia. Tss. Disi-nwebe pa lang ako gusto nila magpakasal na ko. Pamilya ko ba sila?
"Ella..." lumingon ako kay Lolo na halatang nahihirapan nang maglakad kaya ako na mismo ang lumapit rito.
"Po?"
"Promise. Para sa iyo itong ginagawa namin.."
"Yeah. Sabi niyo nga po kahit napapaisip ako sa totoong dahilan kung bakit kailangan kong pakasalan ang apo ng business partner niyo gayong wala naman tayong utang sa kanila." napansin ko namang lumungkot ang anyo ng mukha ni Lolo kaya niyakap ko ito.
"Don't worry, kahit labag sa loob ko, hindi ko po kayo susuwayin." humalik ako sa pisngi nito at dali daling tumakbo papunta sa kwarto. Wala naman akong magawa kasi in the end sila pa rin ang masusunod. Kahit naman siguro malaman nila na may mahal na ako, hindi pa rin sila makikinig at sasabihin lang nila na 'para naman sa iyo itong ginagawa namen'. And to be honest? Nakakasawa na ngang marinig yun mula sa kanila. I swear!
Magdamag lang na tumitig sa kisame. Joke syempre natulog din ako. kahit pa hirap na hirap akong makatulog dahil sa pagkakaalala sa pesteng nangyare kanina sa mall.
-----------
short update? Sorry naman pows..
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M