chapter 28

529 14 4
                                    

nakakatuwa ka naman vek_niv!!!!

katabi kita kanina sa shop... hahahahaha

pano ko nalaman? simple lang...

nakita kong binabasa mo yung SNMNB ..

thanks ule (:

----------------------------------------------------------------------------------------------

Pagdating sa may peryahan, agad namang nagsipulasan ang mga bata. Kanina nga habang naglalakad kami, nakangiti yung mga tao samin, pano parang kami kasi ang magulang yung dalawang bata.

Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.

“san mo gustong sumakay?” tanong ni Jeno

“hmm gusto ko sa may peris wheel” teene peris wheel? Ako na, ako na bata. Wahahaha

“PERIS WHEEL?” O.O

Wow ha, makasigaw wagas.

“oo, ano naman masama dun?”

“sigurado ka?”

Err. Bingi ba ang isang to? Sarap lang sapukin ha.

“magtatanung tanong ka tapos di ka maniniwala?”

“may sinabi ba kong di ako naniniwala?”

Ampupu naman nito, “ang epal mo talaga” sabay talikod pero nagulat ako ng bigla niya kong niayakap mula sa likuran.

Err. Bakit ganito pakiramdam ko?

Ang saya. ^.^

“wag ka nang magtampo”

Blush.

Ang sarap sa pakiramdam na yakap niya, swear!

Pakiramdam ko nasa langit na ko. OA ko na, eh kasi naman basta Masaya.

Basta ang saya.

“Jeno?”

“hmm?”

“nananantsing kana” natawa ko nung nagmadaling kumalas si Jeno sa pagkakayakap, “makabitaw, wagas”

“sorry. Tara sakay na tayo sa peris wheel” naglakad na ito papunta sa rides kaya no choice ako kundi sundan na lang. pagkatapos magbayad lumapit siya sakin sabay hawak sa kamay ko.

“aalalayan na kita baka matakot ka pa eh”

“naks” wag ka namang ganyan Jeno, baka mahalin na kita niyan eh

“hawak ka lang ha?”

“sus kunwari ka pa, ikaw naman yung nakahawak sa kamay ko” natawa ko nun nung nag-iwas agad si Jeno. Problema nito?

Nauna kong sumakay tapos sumunod siya, nakakailang lang kasi hawak niya pa rin kamay ko…

Hanggang sa matapos yung ride hawak niya pa rin kamay ko. ^o^

“sayang kala ko matatakot ka”

“asa ka naman” after nun tumalikod na ko para hanapin yung dalawang bata

San na naman kaya nagsusuot yung dalawang batang yun?

Siguro mahigit isang oras rin akong naghanap bago ko nakita yung mga to sa may Hit your bear, yun yung game na may pekeng baril, babarilin mo yung lobo tapos sa loob ng lobo may nakasulat kung anong size ng bear ang magiging price mo tapos yung bala ng baril ay may patusok.

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon