chapter 24

530 15 5
                                    

Tawa much sa celebrity bluff..

Machete meets Asuete

hahahaha

--

[Jeno’s pov]

“babe naiinis na talaga ako sa babaeng yun, bakit ba kasi pumayag kang magpakasal dun?” simula umalis kami, wala ng ibang bukambibig si Bianca kundi panggagalaiti nit okay Ella. Hindi ko alam ang nangyari kanina ng mag-cr ako basta inabutan ko na lang na palabas si Ella ng pinto at susundan ni Bianca ng pigilan ko si Bianca.

Sinibukan ko namang tanungin kung ano nangyari pero eto nga puro bad words ang naririnig k okay Bianca, oh well kahit sino naman siguro diba?

Una, si Bianca ang mahal at girlfriend ko pero hindi siya ang asawa ko

Pangalawa, nagtyatyaga si Bianca sa sitwasyon namin

Pangatlo, nawawalan na ko ng oras sa kaniya

Pang-apat, sobrang nagseselos na siya kay Ella

Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit napapadalas na yung away namin. Naiintindihan ko siya.

Pagkadating namin sa st. Catherine university, school kung saan nag-aaral si Ella at school kung saan kami ang sponsor ng varsity nila, pinark ko agad yung kotse. After nun niyaya ko ng bumaba si Bianca pero nagulat na lang ako nung irapan niya ko.

“babe ano problema mo?”

“school ni Ella to diba? Susunduin mo ba siya?” halata na talaga yung inis sa boses niya, kaya ayoko na sanang isama siya dito eh ang kaso baka isipin naman ni Bianca na nagddahilan lang ako.

“sponsor nila ang company namen ni Ella kaya dapat lang i-check ko sila and hindi na rin pumasok si Ella kaya sigurado akong wala siya diyan ngayon” mukhang nakumbinsi ko na siya dahil bumaba na rin ito ng kotse.

Pagpasok namen, napukaw agad yung atensyon samen ng mga estudyante, medyo hati yung comment nila.

“ay may gf na si mr. gwapo?”

“bagay sila”

“hindi no”

“maganda yung girl”

“di kaya”

“oo kaya”

“sayang taken na pala”

Nakita ko namang paiba iba expression ng mukha ni Bianca, gusto ko sana hawakan kamay niya kaso naalala ko nasa school pala kami ng asawa ko. Pero si Bianca? Hayun at napahawak na rin sa braso ko, narinig ko pa ngang nagtilian sila halos eh.

“aww ang sweet”

“bagay sila”

“ay ang swerte nung girl”

Ayan nakangiti na si Bianca. Kaya ngumiti na rin ako.

Sa gym kami pumunta pero hindi na sumama si Bianca sa gym2 dahil mas type niya raw panuorin yung mga nagvolleyball kesa basketball. Hinayaan ko na lang siya at nagtungo sa gym2. Inabutan ko roon ang coach nila pati ang ilan sa mga members pero wala dun yung ipinunta ko.

“hmm si Jeremy pala?”

“ah lumabas lang sandali kasama yung nililigawan, sa may ministop lang yun sir” paliwanag ni coach. Sa ministop sila pumunta ni Ella? Ibig sabihin kaya nagmamadali si Ella kanina ng Makita ko ay dahil kasama niya si Jeremy?

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon