chapter 16

615 23 5
                                    

here we go again!!!!

badtrip naman si mahal, hindi ako tinitext!!!!

hahaha ankonek?

la lang ...

_____________________________________________________________

** a night before the wedding **

Hay naku! Single lang ako ngayon bukas married na! what the heck?????

Hay!!! Matatapos na ang pagbubuhay dalaga ko…

Tiningnan ko yung kisame..

“hanggang dito na lang ba talaga ang teenagers life ko??”

Bumuntong hininga uli ako at tiningnan yung cellphone na puno na ng text, pulos congratulations lang naman ang laman.

Nakakasawa!

Babye! Single! Welcome married!

** wedding day **

Alam mo yung part ng kasal na dapat ay excited kana kasi ilang minuto na lang ikakasal kana, parang kahapon lang single ka tapos ilang minuto lang magiging married ka na?

Wala man lang akong maramdaman na excitement!

Inis, sobra!

“anak sorry!”

“ma?”

“sorry kung gagawin namin to sayo ha?”

“ano pa nga po ba ang magagawa ko?” ayoko namang maging selfish

Ilang minuto na lang.

Nang makarating kami sa simbahan, marami ng tao. Ay hindi mga 40 lang ang tao, oo bilang ko yan. Sinuggest ko kasi kina dada na wag na munang ipalaam sa lahat ang tungkol sakasal lalo na sa school, kahit papano gusto ko namang maramdaman na dalaga pa rin ako kahit na kasal na ko.

Pumayag naman sila, pati ang pagtuloy ko muna kina mama ng one month!

Ayoko munang makisama sa lalaki saiisang bubong, mahirap na lalo na at may manyak akong kasama.

Pagbaba ko pa lang ng kotse ay sinalubong na ako ni papa.

“ang ganda naman ng anak ko!”

“salamat pa!”

Niyakap ako ni papa ng mahigpit, mahigpit na mahigpit.

Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon