SA mga new readers nito. Thank you.
----------------------------------------------------------------
Oh ghad! ilang araw na kong di makatulog. Paano ba naman kasi palapit na ng palapit yung next week na tinutukoy nila Lolo.
Habang palapit ung araw na un parang naiiyak na ko. Paanong hindi pakiramdam ko nabibilang na yung araw ko bilang single. Hindi man lang ako nabigyan ng chance na maging boyfriend si Jeremy samantalang high school pa lang patay na patay na ko sa lalaking yun. Kung wala nga lang arrange marriage baka ako na nanligaw kay Jeremy.
Oo desperada na ako makuha si Jeremy pero syempre... mas mahalaga pa din sakin ang lolo ko kaya kahit mahirap gagawin ko.
Pero ang mas prinoblema ko yung kung paano ako makakaganti sa lalaking humalik sakin sa mall.
Pagpasok ko nga sa kwarto kagabi, pinunasan ko ng bulak na may alcohol yung labi ko. O.A na kung OA pero nakakadiri kasi. He's an stranger nu. Grr.
"Frustrated?" tanong ni Jeremy ng mapagdesisyunan naming kumain sa labas. Nandito kami sa isang sikat na food chain. Kain. Kwentuhan at kung anu-ano pa na hindi ko naman maintindihan dahil sa paglipad ng isip ko. hahaha
ano nga uli sabi ni Jeremy?
"Wala ka sa sarili ngayon ah.."
yeah. wala talaga.
"Sorry. Ano nga uleng sabi mo?"
tumawa naman ito pero sandali lang.
"Wala ka talaga sa sarili. Any prob?" nag-aalalang tanong nito.
"Sorry. Iniisip ko lang kasi sila lolo." kung pwede ko lang sana sabihin sa kaniya ang totoo ginawa ko na pero haller? I love him at ayokong malaman niya na magpapakasal ako sa iba. Though, siya naman talaga ang gusto ko.
"Why? Anything happened to him?" umiling lang ako. Then nag smile.
"He's fine.. Nga pala, Jeremy. Bat wala ka pang girlfriend?" I asked out of nowhere. huli na para bawiin ko pa yung sinabi ko at alam ko naman na hindi ko dapat tinanong pero matagal na kong curious e bakit ba? tumawa ule ito sandali at bahagyang tumitig sa mga mata ko. Saka malay mo dito ko malaman na gusto niya ko.
Hahahaha assuming Ella Joy? Yung totoo?
"Natotorpe e." tipid na sagot niya.
"Natotorpe? Kanino naman?" curious na tanong ko na din.
Itanong ko na kaya kung kanino?
Landi mo lang Ella. Kontra ng isang bahagi ng isip nya.
"Takot kasi ako sa rejection Ella.. AT na-natatakot akong malaman na hindi niya rin ako mahal..." oh my. did he use the word "mahal"? ke swerte naman ng babaeng yun oh. Sino ba yun at ng mapatay na NGAYON DIN!! How dare her to hurt my bebe. Di ba niya alam na mahal ko tong lalaking to?
"G-ganun? Pero parte na naman ng buhay ang rejection." e bat parang nakaramdam ako ng selos sa babaeng yun?
Ayaw pa kasing pangalanan e. Teka! Nagtanong ba ko kung sino? Ahmmp. Ayaw ko tanungin baka hindi naman ako yun.
"Mahal na mahal ko na kasi siya Ella. AT di ko nga alam kung kkayanin ko pang mawala siya" he said seriously. Napakaswerte talaga ng babaeng yun.
"Mas may chance na mawala siya kung di mo sasabihin sa kaniya yang nararamdaman mo. Saka malay mo naman diba? Mahal ka din niya." Kahit masakit para sakin!
"You think so?" Nakangiti na nitong tanong na akala mo ako ang tinutukoy niya. I hope so!
"Try mo na lang kaya di ba?" We both laugh.
Gentleman, mabait at seryosong tao si Jeremy kaya malabong hindi rin ito magustuhan ng babaeng mahal niya. Kung ako lang talaga ang babaeng yun baka magtanan na lang kami. Wala na kong paki kung mundo na ang kalaban ko. Drama ko lang!
Lahat na nasa kaniya, AKO NA LANG ANG WALA!!!!
BINABASA MO ANG
Wild Thing: I Think I Love (Under Revision)
Romance"Lahat ng bagay na dumadating sa mundo ay hindi natin inaasahan dahil walang planadong "Unexpected events" Right? Kaya wag kang umasa sa isang bagay kung ayaw mong ikaw din ang masasaktan." - A.M