2nd Class

2.1K 112 6
                                    


Napapamurang sinipa ko ang tuhod ni Kevin pagkatapos nitong umakbay. Napaaray ito habang hawak hawak ang tuhod. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinalpakan ng earphones ang magkabilang tainga subalit kahit nakafull volume ito dinig na dinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. I really hates the guts of that guy. Kailan pa kami naging close?

"Hindi ka ba titigil?" sigaw ko dito nang pagsundot-sundutin niya ang tagiliran ko.

If legal lang ang pagpatay kanina pa sya nakabulagta sa sahig.

"Kasi naman hindi mo sinasagot ang tanong ko. So anong meron sa inyo ni Siren?"

Kumunot ang noo ko.

"Sino namang siraulo 'yun? Don't answer I don't give a fuck anyway" sambit ko at iniwan syang nakanganga. Tss.

"Seryoso? Hindi mo kilala si Siren?" habol niya pero hindi ko ito sinagot.

"She's the vice president of the student council. Almost perfect and everyone are dying for her single glance. Everyone in class are on edge when she came looking for you yesterday. To associate with her, damn! I envy you"

I smirked. So he's talking about that stupid council. Serves her right. As if I'm gonna comply to her words.

Binuksan ko ang locker at kinuha ng pe uniform. Kahit na ayaw ko umattend sa klaseng to ay wala akong choice dahil sa banta si Sir Alvarez.

Tinaasan ko ng kilay si Kevin na nakasunod pa rin sakin.

"Huwag mo sabihing pati pagbibihis sasamahan mo ko" sarkastikong turan ko dito.

"Hahaha sorry. Sige na palit na rin ako" he scratched the back of his head and wave his hand before he disappeared in my sight.

So annoying.






Two words.

PE sucks.

Especially for students like me who's not athletic. Simpleng pawis lang naiirita nako ano pa kaya kung halos naliligo ka na ng sariling pawis. Disgusting.

Sinilid ko ang palad sa bulsa ng jacket at tahimik na sumunod sa iba papuntang gym. Nasa entrance pa lang kami rinig na ang pagbabounce ng bola sa sahig. Seems like na hindi lang section namin ang gagamit ng gym sa oras nato.

Tsk. Ito ang isa pa sa pinakaiinisan ko sa subject na 'to. There are times na may kasabay kaming ibang section, it's annoying as hell. Dumodoble ang ingay na dapat kong itolerate.

"Class please be seated first" utos samin ni Sir Alvarez. Pero hindi nya pa yun nasasabi nakaupo na ako. Wala akong planong magparticipate.

Nilahad ni Sir kung anong physical activity ang gagawin namin. It is one of the worst sport I could think of.

A fucking volleyball.

It requires stamina and strength and I have none of those.

Nagstart magwarm up ang mga kaklase ko habang ako nanatili sa kinauupuan. Hindi naman ako napapansin ni Sir dahil kausap nya ang teacher ng kabilang section na kasama namin ngayon sa gym.

Umangat ang tingin ko nang makaramdam ako nang may matang nakatutok sakin. Hindi ako nagkamali dahil isang pares ng blankong mata ang nakipagtitigan. Tinaasan ko lang ito ng kilay. As if naman na matatakot ako, walang akong pake kung vice president or kung ano pa man sya.

"Class" tawag samin ni Sir Alvarez. Agad na naningkit ang mata nya nang matagpuan akong hindi gumagalaw sa pwesto ko. Walang buhay akong tumayo.

"I'm not feeling well sir. I'll go to clinic"

HideousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon