34th Class

1.1K 72 3
                                    


Hinintay kong makalabas ang lahat ng kanyang estudyante bago ako tumayo at lumapit sa table nya. Ms. Savedra, ang philosophy teacher na nagbagsak sakin last school year. The one who's spying on us, sa kanya nagmula ang mga pictures.

Sam thought it was Vince but when I saw him one time talking to Rajah I realized something. Rajah is only using him para palayuin si Sam sakin.

Nagkamali ako noon. I thought this woman in front of me is just messing with me. She hinted me before na kilala nya ako, it's making sense to me now bakit ganun siya umakto sa harap ko.

"Oh Miss Yae do you need something?"

"No need to act bitch. How much did he offer you?"

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nya at tumawa ng malakas.

"Rajah told me that you will find out sooner. I guess there's no point in denying it. You're grandfather didn't offer me money though" saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"I was Fros girlfriend bago naging kayo---

"Hindi naging kami" madiing anas ko.

"Well it doesn't matter. Don't worry I don't hold a grudge or something. I'm only doing this because I owe Rajah a lot"

"Gaano katagal mo nang minomotor ang galaw ko?"

"Just last year"

Is she telling the truth? Fuck, I don't care. Tinalikuran ko sya at palabas na sana ng classroom nang muli syang magtanong.

"Wala kang gagawin sakin?" manghang tanong nya.

"Hindi ako nagsasayang ng oras sa mga walang kwentang bagay" walang ganang sagot. Huminto ako bago tuluyang makalabas ng pinto.

"But don't let me caught you in act. I'm still a Yae, I don't like how we do things"

I'd been there, and I don't want it to happen again.

Binuksan ko ang cellphone para ipaalam kay Israel na hindi ako sasabay sa kanya mamaya pero nabitawan ko ito nang biglang may bumunggo sakin.

"Fuck!" he cursed. I boredly stared at him. Kung minamalas ka nga naman, it is the jerk named Vince.

"Ikaw pala" nakangising sambit niya. "The only heir of the wealthiest man. Too bad you're a dyke"

Kung akala niyang maaasar ako sa katangahan nya then isa siyang malaking tanga. Alam kong ginagamit lang siya ni Rajah pero pagkatapos ng lahat ng ito sisiguraduhin kong magsisisi siya na pinagbantaan niya si Sam.

I didn't give him the satisfaction he wants. Napatingin ako sa cellphone kong nasa lapag, dadamputin ko sana ito pero ang walanghiya sinipa nya ito palayo.

Shithead.

"Move" malamig na utos ko. Ngumisi ito ng nakakaloko.

"Paano kung ayaw ko?"

Kung magpapatuloy siya sa katangahan niya, may paglalagyan sya.

"What's happening here?"

Parehong naagaw ang atensyon namin nang may magsalita sa likod nya. Mas lumalalim ang pagkakangisi ng taong nasa harap ko nang makita si Sam.

"Nothing, babe"

I gritted my teeth. Who gave him permission to call her that?

"Kanina pa tumunog ang bell magsibalik na kayo ng klase nyo" walang emosyong sambit ni Sam, hindi ako nito magawang tingnan.

"Right. Let's go back to our class together and leave this dyke, baka makahawa pa siya ng sakit nya"

"Watch your words Vince"

HideousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon