"Nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay?"Napahilot ako ng sintido nang marinig ang boses ni Elise sa kabilang linya.
"I'm on my way, kakatapos lang ng meeting" maikling sagot ko saka umupo sa likod ng sasakyan. Sinenyasan ko ang driver na umalis na.
"Your girlfriend is pouting all day hindi mo daw sinasagot ang tawag nya"
"Naka off ang phone ko" napapabugang anas ko.
"Sige na ibababa ko na. Ingat ka sa byahe"
"Thanks"
Hindi ko inexpect na magtatagal nang ganun ang meeting. Pagbaba ko nang tawag saka naman nagflash ang mga messages ni Sam. Napangiting napailing ako bago dinial ang number nya na mabilis niyang sumagot.
"Kay?"
"Hmm?" napapikit ako at sumandal sa upuan.
"Narinig ko kay Elise na kakagaling mo lang ng trabaho, sana nagpahinga ka na lang at pinag pabukas ang byahe" malumanay na aniya. Hindi ako nakasagot dahil hinihila ako ng antok. Hindi ko namalayang nakatulugan ko siya.
I lightly opened my eyes when I felt something soft playing my cheeks. Her fingers stopped from moving and locked her eyes on mine. Malalim at nakakalunod ang tinging binibigay nya. Nasa loob pa rin ako ng sasakyan, wala na ang driver ko. Madilim dilim sa labas dahil madaling araw pa lamang.
"Sam, why are you here? you should be sleeping right now don't tell me--
"Yes, I did. I waited for you"
Bumangon ako sa kandungan nya at seryoso syang tiningnan.
"Aware ka ba kung anong oras na?"
"Three-- probably four in the morning" balewalang aniya.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas, ganun din sya. Napahawak ako sa leeg dahil sa pamamanhid nito, agad niyang dinala ang kamay nya dito at marahang menasahe. Nakatutok lang ang mata ko habang abala siya sa kanyang ginagawa.
"Sam--
"Huwag ngayon Kay, alam kong pagod ka. Let's get inside para makapagpahinga ka ng ayos"
Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila papasok ng resort hotel. Nasa resort kami na pagmamay-ari ng mga Herrera. I don't like the idea of spending the summer break here pero dahil next month aalis na si Elise ay pinagbigyan ko na sya. She invited her friends which is mostly from the student council.
Lumabas ako ng banyo habang nagpupunas ng buhok, napahinto ako nang matagpuan si Sam na nakaupo sa kama.
"Hindi ka pa ba inaantok? Bakit hindi ka pa bumabalik ng room mo?"
Tumayo siya at lumapit sa may upuan sa tapat ng vanity mirror, she tapped it gesturing to me to sit there, I silently obliged. I'm watching her in the mirror as she blow-dry my hair. She seemed in a deep thought.
"Kay? Is it really necessary for you to work?" tanong niya saka pinatay ang blower.
Humarap ako sa kanya saka sya hinila kaya bumagsak ang katawan nya sakin. I wrapped my arms around her waist and hide my face in the side of her neck.
I'm sorry Sam but I have to. I don't want to lose you.
"Why? Do you hate it?" malumanay na tanong ko. Ramdam ko ang pagkailang nya sa posisyon namin subalit nagawa pa rin niyang suklian ang yakap ko.
"No. I'm just concern. Are you having enough sleep? Palagi ka na lang inaabot ng madaling araw sa trabaho. Don't neglect your health"
"I'm fine, don't worry" sambit ko saka sya binitawan.
BINABASA MO ANG
Hideous
Teen FictionKish is ostracized in school because of her ugly and goofy appearance. It's not like she's being bullied, because you can't bullied the bully. With a very nasty personality and bad reputation no one can't stand her. Her name screams trouble. Then h...