I cursed every words I know while forcing myself to run around the track. Luckily, hindi gaanong mainit ang sikat ng araw ngayon. I was forced to do two laps around this damn track. Binagsak ko ang katawan sa lapag nang bumigay ang mga tuhod ko, damn! how am I supposed to finish this shit?Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Sir Alvarez para patakbuhin ako ng ganito kaaga. Geez, sakin pa sinisi yung pagkatama ng bola sa puso ko. Halos patayin ko daw sya sa pag-aalala. Para namang ginusto ko yun.
Alam ni sir ang tungkol sa heart condition ko kaya hindi ako nito pinipilit everytime na may physical activities kami. Pero syempre hindi ako palaging exempted sa mga activities kaya most of the time I used my condition on him. I know that sucks but physical activities are really not my thing.
"You shouldn't sprint at the start"
Hindi ko magawang iangat ang tingin dahil hanggang ngayon hinihingal pa rin ako. Pero dahil sa nakakairita nitong boses ay agad ko syang nakilala. Ano na namang ginagawa nya dito?
"Your form is bad, even your breathing is all over the place. This exercise is good for your condition but you're doing it all wrong, maaga ka nyan mamamatay" her restful voice is so annoying.
Instead na makipagtalo ay inabala ko ang sarili sa paghahabol ng hininga. I'm too tired to deal with her, and for fuck's sake ang aga-aga pa para makipagtalo sa kanya.
Magdadalawang linggo na simula nang magstart ang tutoring lessons kuno namin. Araw-araw pumupunta pa rin ako ng library para sa 'attendance', hindi na rin siya nag-aabalang bigyan ako ng libro. That's good, at least may isa siyang salita. And next week sisiguraduhin kong hindi ko na makikita ang pagmumukha nya.
Nang bumalik na sa ayos ang paghinga ko ay tumayo na ako. Hindi ko pinansin ang taong nakatayo sa gilid. Bahala sya sa buhay nya. Babalik na lang ako sa pagtakbo.
"I said don't sprint at first. Start with walking, since you're physically weak, gradually add some speed. Huwag mong biglain. Did you do some warm up first before you run?"
Argh. She's annoying. What is she? My mom?
"Why the hell are you even here?" I groaned.
"Sir Alvarez asked me to monitor you" walang buhay nyang sagot.
Tsk. Bakit sa dami nang mauutusan nya itong kinaiinisan ko pa? Wala ba syang klase? Kingina. Nakakainis.
Wala akong lakas makipagtalo kaya ginawa ko na lang ang sinabi nya. Gusto ko nang matapos ang kalokohang to bago pa ako matuluyan. Hingal na hingal akong napaupo makatapos ng two laps. I can't even believe I did it. Para akong mamamatay.
"W-water" kapos hiningang saad ko.
"Rest first. You can drink after few minutes"
Sinamaan ko ito ng tingin. Nanunuyo ang lalamunan ko at tila anumang oras para akong hihimatayin sa sobrang kapaguran.
Sa una nag-alangan pa ako nang abutan nya ako ng plastic bottle. Pero dahil sa sobrang uhaw ay wala sa loob na tinanggap ko rin. Huwag nya lang talagang sabihing may lason 'to.
"Knowing you I chose the most expensive one. Tss. I can't believe I spent half of my allowance for just some water" dinig kong bulong nito. Oh right. She's a scholar.
"I will pay you" walang ganang balik ko.
"No need" Edi wag! Siya pa tong maarte babayaran na nga.
Damn! I can't move, my muscles are aching.
This is sucks!
"Tsk. Sino ba kasing may sabing tumakbo ka ng hindi nagwa-warm up?" aniya nang mapansing hindi ko maigalaw ang paa ko.
BINABASA MO ANG
Hideous
Teen FictionKish is ostracized in school because of her ugly and goofy appearance. It's not like she's being bullied, because you can't bullied the bully. With a very nasty personality and bad reputation no one can't stand her. Her name screams trouble. Then h...