Summer Break 4

1.2K 74 2
                                    


"It's nice working with you Ms. Yae"

Nakipagkamay ako sa isang investor as we closed the deal. Kinuha ng secretary nya ang mga documents na nasa table saka sila naunang umalis. Tinanggap ko ang wet tissue na inabot ni Ms. Almonte saka pinunasan ang kamay.

"Nakahanda na ang sasakyan Ms."

Tumango ako sa kanya saka sumunod. Sya ang pinagmaneho ko ng sasakyan papunta sa susunod na agenda namin. Ms. Almonte is my team manager, she's actually my superior but she knows my capabilities kaya pinapakinggan nya bawat salitang manggagaling sakin idagdag pa ang kaalamang apo ako ng big boss nya.

Yae Inc. ang naiisang property na nakapangalan sa grandfather. But in reality, his other businesses are dominating in different regions and countries. Staying low is one of his game.

Nagsuot ako ng salamin bago lumabas ng sasakyan dahil sa taas ng sikat ng araw. Tinanaw ko ang malawak na lupain sa harap. May mga dikit dikit na bahay ang nakatayo dito, it's a squatter area.

"How's your day?"

Hindi ko tinapunan ng tingin si Kent na tumabi sakin. I can feel his eyes watching my every movements. Tumikhim siya bago muling nagsalita.

"Anyway, let me introduce Mr. Felip Ona, siya ang may-ari ng lupa"

"Ms. Yae it's a pleasure to meet you."

Kahit malayo ay dinig ko ang ingay na nagmumula sa squatter area. May nagsisigawan, tatawanan, kahit tunog ng pag iyak ay hindi ng sanggol ay hindi nakatakas sa pandinig ko.

"This area is loaded" walang emosyong anas ko.

"Wala kayong dapat ipag-alala, ako ang may ari ng lupa at sinisigurado kong bukas na bukas ay magsisialisan na ang mga hampaslupang nagtayo ng bahay sa lupa ko"

Hindi ko inalis ang tingin sa harap. How many families will lost their homes? This kind of greediness is disgusting and maddening. Yet here I am, gonna turn a blind eye on this.

No. This is not something I can control.

Tss. I'm such a hypocrite.

"Fuck off!"

Galit na winaksi ko ang kamay ni Kent na pumatong sa balikat ko. Humingi ito ng paumanhin pero nagawa ko lang syang tingin ng masama.

"You're spacing out"

"Don't fucking ever touch me" I muttered between my gritted teeth.

Tumalikod ako at naglakad pabalik ng sasakyan. Iniwan ko ang trabaho kay Ms. Almonte. Baka hindi ko mapigilan ang sarili at masaktan si Kent.

He's a fucking eyesore.

Napasandal ako sa driver's seat at napahilot ng noo. Everything is going according to plans. A little more time and I will be free from all of these. But, I can't feel anything.

Nothing but a headache.







"Hola, bienvenida a mi casa, Young Yae"

"Cut the crap" walang ganang turan ko at hindi pinansin ang inalok niyang wine glass.

Nilibot ng mata ko ang kabuuan ng gazebo niya. He's a half-spanish kaya hindi kataka-taka ang mga spanish-style ng kanyang gazebo pati na rin ang kanyang bahay, which more likely a mansion. Tumawa ito ng mahina hanggang sa lumakas ng lumakas. He's a crazy bastard.

"Same unfazed kid who went to my lair three years ago. I really like you Kish"

Nakatalikod ako sa kanya dahil inabala ko ang sarili sa garden nito. Mas magandang pagtuon ito ng atensyon kaysa sa kanya.

HideousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon