Napakagat ako ng labi upang pigilan ang sariling sapakin ang tatlong mukhang unggoy na nasa harap ko.That oldman added new condition, to not get involve in any fights or whatsoever. Of course I didn't promise anything but I am trying, at least. However, these shitheads in front of me are fucking pissing me off. Kingina kakalabas ko palang ng office ni tanda tapos ganto ang bubungad sakin.
"Hoy kinakakausap pa kita!" sigaw ng isa sa kanila matapos ko silang lagpasan.
Hindi ko ito pinansin. Naabutan nila ako dahil sa tagal ng walang kwentang elevator.
"Hoy teka lang"
"Ano bang kailangan nyo?" asik ko. Nagkatinginan sila at ngumiti nang parang tanga.
"Nabalitaan naming pinahiya mo raw si Fajardo kahapon sa harap ng tropa nya"
Nagsalubong ang kilay ko. Sino namang kinginang yun?
"Wala akong oras na pakinggan ang hinaing nyo"
Halos sirain ko na ang button ng elevator sa diin ng magkakapindot.
"Hahaha. Sabi sayo pre iba to"
"Gusto mo bang sumama samin?"
Hindi ba sila nakakaintindi?
"Pwede ba? Lumayas kayo sa harap ko!"
"Hindi mo kami kaaway dito"
Nauubos ang katiting na pasensya ko sa mga ugok na to.
"Wala akong pakealam. Kingina hindi ba kayo naaalibadbaran sa mukha nyo?"
"Miss. Hindi mo kilala si Fajardo wala yung sinasanto. Kahit babae ka sigurado akong kakantihin ka nun dahil sa ginawa mo kahapon"
"Eh kingina naman! Hindi ba kayo nakakaintindi na wala akong pake. Putek tagalog na tagalog hindi nyo maintindihan"
"Hey you there!" sita ng isang papalapit na estudyante.
"Pre, council"
Nagtakbuhan ang tatlong ugok bago pa tuluyang makalapit ang pakealamerang nilalang.
"Ikaw na naman" nanlalaking matang anas nito sa harap ko. Walang ganang tiningnan ko lang ito.
"Hindi ka ba aware na bawal magsisigaw sa hallway? And you? why are you not wearing a complete uniform?"
Napangisi ako nang makilala ito. Ito yung tangang kumukuha nang id ko kahapon. Lumipas na ang isang araw tanga pa rin sya. Inalis ko ang id sa lace at inabot sa kanya. Mukha naman itong naguguluhan sa ginawa ko.
"Wala akong oras pakinggan ang nakakarinding lintya mo, take this at lumayas ka sa harap ko"
Hindi makapaniwala ang hitsura nya sa sinabi ko. Pumasok ako ng elevator bago pa sya makapagreak. Nang sumara ang pinto ng elevator ay napasandal ako sa pader. I pinched the bridge of my nose. Ang aga-aga binubwiset ako. Wala bang matinong tao dito?
Bumukas ang pinto ng elevator kahit wala pa ako sa palapag kung saan ang classroom ko. Pinindot ko ang close button subalit may kamay na humarang nang pasara na ang pinto.
"Hindi mo ba nakitang may papasok?" tanong nito sa firm na boses.
"I did. Kaya nga isasara ko" nakangising sagot ko.
Her calm and stern posture annoys the hell out of me. I will surely break that.
"Your attitude is getting worst day by day" she said in a bored manner.
"Your face is getting demonic day by day, satan is ashamed of himself" I mocked back.
But fuck. Instead na mapikon ito ngumisi siya na mas ikina-init ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Hideous
Teen FictionKish is ostracized in school because of her ugly and goofy appearance. It's not like she's being bullied, because you can't bullied the bully. With a very nasty personality and bad reputation no one can't stand her. Her name screams trouble. Then h...