"Factor this number to simplify your answer-- hey are you listening?"Inayos ko ang suot na salamin at tumingin sa kanya. This tutoring or whatever you called this is so damn boring.
"I am" walang ganang sagot ko.
"Should we take a break?"
Bahagya akong nagulat sa tanong nito ngunit hindi ko pinahalata. Maybe she's being considerate kasi kanina pa sya walang tigil na nagdadada. Nakikinig naman ako kaso nalabas nga lang din sa kabilang tainga.
Napasandal ako sa upuan bago napapikit. I don't think I will get used to this, walang araw na hindi kami nagtatalo. Masyado malaki ang pagkakaiba namin at wala kaming bagay na napagkakasunduan. Kung walang isang magpapaubaya hindi kami magkakaroon ng maayos na paguusap.
Argh. I really hate everything about her.
Like now, she's typing something on her laptop. Her focus is commendable, I guess? Nagagawa niyang pagsabayin ang pagtuturo at trabaho bilang student council.
"Vice President!"
Isang humahangos na estudyante ang lumapit samin.
"What is it Aleah?"
"We have a little problem. The accounts are not matching up to the initial records"
"Paano yun nangyari? I thought we already finalize this in our last meeting?"
"We don't know too, Joe is keeping his silent" she said in a little panicking voice.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ng vice president bago sinara ang kanyang laptop.
"Aleah pakituloy nitong lessons sa kanya" aniya saka tumayo.
"And you" tinaasan ko sya nang kilay nang magawi ang tingin nya sakin. "Please behave and listen to her"
Hindi nito hinintay ang sagot ko at basta na lang umalis. Psh.
Inirapan ko ang taong nasa harap ko nang bigyan ako nito ng nakakamatay na tingin. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagsimulang ipaliwanag ang mga sample problem sa papel. Nilabas ko ang earphones at sinalpakan ang tainga. Wala akong planong makinig sa nakakairita niyang boses.
"Kingina!" inis na sigaw ko nang hilain niya ang earphones ko.
"Hindi ka talaga marunong makinig ano! Siren is already loaded with ssc's works kaya wag ka nang dumagdag. Why she have to deal with you anyway? You are just wasting her time" galit niyang turan.
"Tanga ka ba? Bakit mo sakin sinisisi? Siya itong tatanga-tangang pumayag at nagpupumilit para mapaimpress ang principal"
"How dare you to bad-mouth her! She's not like you na walang ibang pinoproblema maliban dyan sa masamang lumalabas sa bibig mo. She has to maintain her grades for her scholarship. She's also leading the ssc because of the president's absence. Sobrang abala niya at hindi mo man lang magawang maging considerate sa kalagayan nya. You are too much no wonder no one can't stand you"
"Fuck off! I don't care about such thing" inis na sigaw ko at kinuha ang bag.
Kingina. Ang ingay nya masyado. Anong akala nya? Natutuwa akong magpalipas ng oras kasama ang minamahal nilang vice president?
Nasasayang din ang oras ko sa mga katulad nila. Dire-diretso akong lumabas ng library at hindi sya nilingon kahit ilang beses niyang tawagin ang pangalan ko. Magsama sila nang pinagmamalaki nyang vice president.
Sa likod ng English department ako dumaan dahil wala gaanong mga estudyante ang dumadaan dito. Napatigil ako sa paghakbang ng may isang bulto ng tao ang humarang sakin.
BINABASA MO ANG
Hideous
Teen FictionKish is ostracized in school because of her ugly and goofy appearance. It's not like she's being bullied, because you can't bullied the bully. With a very nasty personality and bad reputation no one can't stand her. Her name screams trouble. Then h...