Summer Break 3

1.1K 72 10
                                    


Nagpapanggap akong nakikinig sa mga sinasabi ni Vivi habang tinatahak namin ang daan papuntang hotel. I want to be civil. Kung makokonsider ba 'tong ginagawa ko na pagiging civil. Well at least hindi ko sya binubulyawan. I think that's a progress.

Bumalik na kami ng resort kahapon dahil halos nalibot na naman nila ang isla. Sumama ako kay Vivi pabalik ng hotel para kunin ang cellphone ko. Iniwan namin silang naglalaro ng volleyball. Agad kong kinuha ang cellphone sa ibabaw ng side table at lumabas na ng kwarto. Natagpuan ko si Vivi na naghihintay sa tabi ng elevator.

"Tara na?" nakangiting sambit nya.

Tumango lang ako bilang sagot. Damn, this is harder than I thought. Palabas na kami ng hotel ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinabihan ko siya na mauna na. Nagregister sa screen ng cellphone ko ang pangalan ng kasulukuyang project na pinagkakaabalahan ko noong nakaraang araw.

"Hello Kish?"

Kinalma ko ang galit na namumuo nang marinig ang boses ni Kent.

"What do you want?" walang ganang tanong ko.

"Are you in vacation with Elise. I saw her Instagram--

Papatayin ko na sana ang tawag pero tila naramdaman nya yun kaya agad niyang iniba ang topic.

"Wait sorry. We have a little problem. Fortell Realty suddenly wants to back out. We already spent a lot of money in this project---

"Talk to my team not to me" walang buhay na saad ko saka pinatay ang tawag.

Hindi ko alam bakit kasama pa siya sa pinadalang tao ng kompanya nila, wala naman sya naitutulong, abala lang siya sa team nya.

Worthless shit.

Tinago ko ang cellphone sa bulsa at bumalik sa kinaroroonan nila Elise. Tapos na sila sa paglalaro nang dumating ako.

"Where's Sam?" tanong ko.

"Possessive much?" taas kilay na anas ni Elise sakin.

"Do I look like one to you?" sarkastikong tanong ko.

"Bakit ka pikon? Ayun oh" turo nya sa hindi kalayuan. Sumunod ang mata ko sa tinuro nya. Kumunot ang noo ko nang makitang may kausap itong lalaki. I bit my lip to suppress this strong emotion wants to come out.

Calm down Kish.
Don't. Be. Fucking. Mad.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko saka naglakad palapit sa kanila.

"I'm sorry again for what happened in the island"

Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang paghingi nito ng paumanhin sa kausap.

"No. no. It's fine. Hindi namin alam na anak pala ng may-ari nitong resort ang kasama mo"

I gritted my teeth. So kausap nya ang isa sa mga lalaking 'yun.

"So what if that's not the case? You're gonna harass everyone you set your eyes on?" sarkastikong tanong ko. Pareho silang nagulat nang magsalita ako sa gilid nila.

"No. You're overacting" pikong sagot ng lalaki. Ngumisi ako ng nakakaloko. Mukhang hindi lang sa isla gusto niyang ma-ban.

"Kay let's go" awat ni Sam.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin bagkus ay nilaban ko ang tingin ng walang kwentang nilalang na nasa harap ko.

"Kian don't provoke her" saway ni Sam. "Tara na Kay"

Inis na inalis ko ang kamay niyang humawak sakin at naunang naglakad pero agad naman niya akong naabutan.

"Kay? We're just talking, he apologized so I did the same. Ayaw ko namang maging bastos" pagpapaunawa niya.

HideousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon