20th Class

1.3K 90 2
                                    


Napatigil ako sa paghakbang nang mapansing may tao sa loob. Mukhang napansin nya may pumasok kaya napunta ang tingin nya sakin.

"Kaibigan ka ba ni Yuan iha?" nakangiting tanong nito.

Her eyes are swollen, probably because of too much crying. Nagiwas ako ng tingin. Hindi ako nakasagot.

"Hindi pa rin siya gumising pero sabi ng doctor stable na ang kalagayan nya. Huwag kang mag-alala malakas ang anak ko, gigising din sya" pagpapagaan niya. But she doesn't had to say those words to me.

"It was f-fault" napapalunok na sambit ko.

Hindi ko alam kung anong reaksyon meron sya. Nakayuko ako, hindi ko siya kayang tingnan sa mata. Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit. Inihanda ko ang sarili sa posibleng masamang salita o sampal subalit kinagulat ko ng yakapin ako nito.

"Shh huwag mong sisihin ang sarili mo iha. Walang may gusto ng mga nangyari at kung may dapat sisihin ay si Yuan 'yun. Palagi kong pinagsasabihan sila ni Josh na tumigil na sa pagsali sa gulo pero matitigas ang kanilang ulo pero kahit ganun sila alam kong mababait pa rin silang mga bata" humihikbing aniya.

"I..." I don't know what to say.

"I'm sorry"  but I should at least apologize.

Nakaupo lang ako habang nakikinig sa kwento ng nanay ni Yuan. Sa kabila ng mga masasamang naririnig niya sa kanyang anak hindi nagiba ang kanyang tingin dito.

I guess all mothers are the same.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako dahil may pasok pa ako. Bigla namang dumating si Josh na nakauniform din.

"Ay sya sumabay na kayo sa pagpasok. Ikaw Josh umayos ko at huwag mong isasangkot si Kish sa mga gulo nyo" bilin nito.

Napailing ako. Sa aming tatlo, ako ang nandamay sa kanila sa sarili kong gulo. Marami ng beses.

"Opo Tita, makakaasa ka" sumaludo pa sya.

"Puro ka kalokohan, sige na at baka mahuli pa kayo sa klase"

Pareho kaming nagpaalam bago lumabas ng kwarto. Malapit lang ang hospital sa school kaya hindi kami malalate, kung sakali man, wala akong pake.

"Nandun ang--

Sumakay ako ng taxi na huminto sa harap ko at iniwan si Josh sa kanyang kinatatayuan. Wala akong sinabing sasabay ako sa kanya.


"Kish!"

Napahinto ako sa paglalakad. Tiningnan ko ang taong tumawag ng pangalan ko.  Natatakpan ng hoodie ang kanyang ulo, humakbang ito palapit sa kinaroroonan ko hanggang sa makilala ko kung sino ito.

Pinagmasdan ko ng mabuti si Kevin. Kapansin pansin ang pamamawis nito. Ang init init ng panahon saka niya naisipang mag-all black. He is still a moron.

"I'm sorry" simula niya. "For everything. Hindi ko gusto ang mga nangyari naging desperado lang ako"

"Why are you here?" makahulugang tanong ko.

Mukhang nakuha nya naman ang gusto kong iparating. Napatitig siya sakin ng ilang sandali bago muling nagsalita.

"I'm leaving the country. Napagpasyahan ni Tita na mas makakabuting sa States muna ako, at doon magpagaling.  Gusto kong kahit papaano magpaalam sayo. I know you never see me as friend but to me you are"

"So you're setting up your so called friend?" sarkastikong anas ko. Yumuko siya bago napasandal sa pader.

"I'm sorry. Natuliro ako. Hindi ko makilala ang sarili ko, noong narinig kong ikaw ang pinagbibintangan nila hindi na ako nakapagisip ng matino--

HideousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon