Chapter 30: The Confrontation

1.2K 20 0
                                    

( C E S )

Pinaupo ko muna si Hani sa sofa na nasa sala habang nagtitimpla ako ng juice. Nagi-guilty tuloy ako kasi pakiramdam ko isa ako sa mga dahilan kung ba’t nasasaktan siya ngayon. Sana hindi nalang ako nakipagkuntyaba kay Ma’am Danita para maipakasal sila'ng dalawa ni Kevin. Kung sana pinigilan ko siya, baka hindi sila naikasal ni Kevin at baka hindi siya nasasaktan ngayon.

     "Ba't ba kasi ako umasa na mamahalin nila ang isa't isa habang nakakulong sa kasal-kasalan na 'to?"

   Napabuntong-hinga ako habang sinisermonan nang kalooban ko ang sarili ko.

   Binalikan ko si Hani sa sala, nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Ang dilim ng paligid, malakas din ang hangin dala nang malakas ang ulan.

     “Dito ka na muna hanggan'g sa tumila ang ulan.” sabi ko sa nakatulala'ng Hani.

   May luha na naman sa pisngi niya. Pabagsak na rin ang iba mula sa mga maga niya'ng mata.

   Umupo ako sa tabi niya at pinunasan ang basa'ng pisngi.

     “Ayoko talaga ng ulan.” bigla niya'ng sabi habang ginagawa ko 'yun.

     “Huh?”

    “Sana tumigil na ang ulan. O 'di kaya ay sana wala ng ulan.”

   Tinitigan ko lang si Hani na patuloy ang pagbagsak ng mga luha. Ang lalaki ng mga patak nito, kasing laki ng patak ng ulan.

     “Ano ba'ng meron sa ulan?”

   Yumuko siya. Humikbi.

     “Kasi 'pag umuulan, maaalala ko lang na palagi rin niya'ng naaalala si Monique.”

   Bumuntong-hinga ako dahil ang bigat na rin nang pakiramdam ko.

     “Hani.” maluha-luha ko'ng pagtawag sa kaibigan ko'ng nasasaktan na naman dahil sa pag-ibig.

   Tumingin siya sa’kin, pula'ng pula na ang ilong, matamlay ang namamaga'ng mga mata.

     “Nagmahal ka na ba, Ces? 'Yun'g totoo'ng pagmamahal? Pa’no nga ba masasabi na true love na talaga ang nararamdaman mo? Kapag ba nakakamatay na 'yun'g sakit, true love na ba 'yun? Kailangan ba talaga'ng masaktan ng sobra para masabi mo'ng nagmahal ka na ng totoo?” nahirapan pa siya na tapusin ang sasabihin niya dahil sa grabe na emosyon.

     “Hindi ko rin alam. Hindi pa naman ako nagmamahal ng totoo eh. At kung totoo man ang sinasabi mo, parang ayoko na rin ata'ng mahanap ang true love ko.”

   Napangiti siya habang may luha pa rin sa mga mata.

     “Baliw ka talaga, Acesia.”

   Matamlay ako'ng ngumiti at pinunas muli ang mga luha niya.

   Alas singko na ng hapon ko nahatid si Hani sa bahay nila. Buti nalang at kumalma na siya at nakakangiti na rin kahit papa’no. Nakatulong ata 'yun'g wala'ng tigil niya'ng pag-iyak kanina.





( H A  N  I )

Nang umuwi na si Kevin ay sabay ulit kami'ng dalawa sa paghahapunan. Kung alam lang sana niya kung ga'no kahirap sa’kin na harapin siya. Ta's noon'g natutulog na siya ay nakaupo lang ako sa study table—tulala. Pagod na pagod na ang mga mata ko pero ayaw naman ako'ng dalawin ng antok.

   Tumunog ang cellphone ni Kevin.

   Nilingon ko ang study table niya, nakapatong nga lang dun ang nag-va-vibrate na bagay.

BOOK 2: The HIM who loves Her...so muchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon