(K E V I N)
Labindalawa'ng-araw nalang, matatapos na ang kasunduan namin ni Hani. Sa mga nakalipas na araw, palagi ko nalang nakikita na magkasama sila ni Stan. Minsan naman umaalis ng bahay si Hani at pinupuntahan si Ces. Talaga'ng minsan ko nalang siya nakikita at nakakausap. Habang papalapit ang araw ng deadline, parang lumalapit na rin sa nitso ang puso ko. Ayoko talaga'ng mawala si Hani sa’kin, pero ayoko rin naman'g maging selfish ulit. Hindi siya magiging masaya kung makikipagmatigasan pa ako sa kanya. Kailangan ko siya'ng pakawalan—mamahalin ko nalang siya nang palihim.
“Mahal na mahal kita.” nakatitig ako sa picture ni Hani na nasa cellphone ko habang nasa loob ako ng opisina. Sa paraan'g 'yun ko lang pwede'ng aminin sa kanya ang nararamdaman ko.
Isa'ng beses, nakita ko ulit na hinatid siya ni Stan. Napayuko ako at nagpatuloy sa paglilinis ng kotse ko.
“Nakauwi ka na pala.” sabi niya agad.
“Nag-half day ako.”
“Bakit?”
“Tinatamad ako'ng magtrabaho.”
"Ayan ka na naman. Sabi ko naman na—"
"May event ang hotel sa Linggo, hindi ako pwede'ng mag-day off kaya ngayon ko nalang ginamit." paliwanag ko.
Hani taught me the value of work, pinamukha niya sa'kin ang privilege na meron ako and she taught me to be thankful and use that privilege into a good cause.
“May problema ka ba?” napansin niya siguro ang lungkot sa boses ko o baka nailang lang nang titigan ko siya.
“Medyo.”
“Ano naman?”
“Hindi mo na kailangan'g malaman.”
“Aah, tungkol siguro sa puso mo noh? Hindi ko na nga dapat malaman, ayoko naman'g manghimasok.”
“Hinatid ka na naman ni Stan.” nasabi ko nalang.
“Nakita mo?”
“Oo.”
“Nagmaganda'ng loob lang naman siya.”
“Nililigawan ka ba niya?”
“Hindi ah.”
“Talaga?”
Tumango siya bilang sagot.
“Pupunta na ako sa kwarto ko para makahanda na rin ako ng hapunan.” pag-iwas niya.
Nakaramdam ako ng sakit.
Nang kumakain na kami ng hapunan ay sinulyapan ko si Hani. Mukha naman'g ayos lang talaga siya. Anim na araw nalang ang natitira sa’min'g dalawa. Mukha'ng hindi siya nahihirapan, para pa nga'ng excited siya. Samantala'ng ako, halos hindi na makahinga.
Ganito siguro ang nararamdaman ng mga tao'ng may taning ang buhay. Ang kaibahan nga lang namin, 'yun'g iba na may taning ang buhay, kapag namatay kasama ang katawan nila. Kaso ako, buhay nga ako pero patay naman ang puso ko. Hindi ko alam alin ang mas mahirap dun. Basta ang alam ko, sobra'ng sakit nang nararamdaman ko.
Yumuko ako at nagsalita.
“Ako na ang bahala'ng mag-grocery bukas. Dadaan ako sa grocery store pagkatapos ko sa trabaho.” habang nakatingin ako sa pagkain.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: The HIM who loves Her...so much
RomanceFrom the night that his mother brought Hani in their home, Kevin's life turned upside down. He's got to live with a woman whom for him is a total annoying stranger. It started just a single night stay, then a week, a month, until it turned to a yea...